Mark Gil, may habilin sa pamilya bago pumanaw

ADVERTISING

Mark Gil, may habilin sa pamilya bago pumanaw

Mark-GilNAKAPUNTA AKO sa gathering ng pamilya at mga kaibigan at katrabaho ni Mark Gil nu’ng kamakalawa lang, at maayos ang lahat ng coordination nila para hindi magulo ang gathering na ‘yun na tinawag nilang Celebration of Life.

Hindi talaga nila pina-cover sa media, kahit open naman doon at welcome ang mga reporters na kaibigan ni Mark.

Nakikita mo talaga roon ang closeness ng pamilya, at pagiging mabait din nila sa mga kaibigan.

Naawa lang ako sa asawa ni Mark na si Maricar dahil ang payat-payat na nito.

ADVERTISING

Talagang nakatutok pala siya sa pag-aasikaso kay Mark nu’ng nakaratay pa lamang ito sa sakit na cirrhosis of the liver.

Kahit nga roon sa gathering na ‘yun, iyak nang iyak pa rin si Maricar, at mga kapatid ng aktor.

Si Michael de Mesa na sobrang close kay Mark ay laging umiiyak tuwing may lumalapit at bumabati sa kanya.

Isang araw lamang ang gathering na ‘yun, at pagkatapos nu’n ay sa pamilya na lang daw ang kanilang pagdadalamhati.

Ang susunod daw nilang gagawin ay isasaboy raw nila sa Montemar beach resort  ang abo ni Mark, pero hati-hatian nila ng buong pamilya ang ilang bahagi nito.

Ilalagay raw nila sa maliit na bottle at ikukuwintas daw nila ito. Para lagi raw nilang kasama si Mark.

Iyon daw ang bilin ng aktor bago ito pumanaw, at kailangan nilang sundin.

Kunsabagay, maganda nga ang ganu’n. Napaka-private lang at nagkakaroon talaga sila ng tahimik na pagdadalamhati. Hindi ‘yung nasa balita ito lahat.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING