Mark Gil, malaking kawalan sa showbiz

ADVERTISING

Mark Gil, malaking kawalan sa showbiz

1 Mark-GilISA AKO sa nalungkot talaga sa pagpanaw ni Mark Gil.

Nagluksa ang buong showbiz sa maagang pagpanaw ni Mark, pero pinili ng pamilya niyang gawing pribado ang kanilang pagluluksa.

Ngayong araw lang ay magkakaroon sila ng pagtitipon na kung saan doon puwedeng pumunta ang mga malalapit na kaibigan at katrabaho para makiramay at makasama nila sa huling sandali si Mark.

Na-cremate na siya, pero magkakaroon ng konting seremonya roon na tinatawag nilang Celebration of Life.

ADVERTISING

Bilin daw kasi ‘yan ni Mark na i-cremate siya agad at huwag nang magkaroon ng public viewing.

Mabuti na lang at buo naman ang pamilya bago pumanaw si Mark, dahil dumating galing Amerika ang mga magulang niyang sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil, pati ang kapatid niyang si Michael de Mesa.

Nu’ng nalagutan daw ng hininga si Mark, kalung-kalong daw ito ng asawa niyang si Maricar at hawak daw ni Gabby Eigenmann ang kamay.

Si Sid Lucero lang yata ang wala roon dahil nasa Singapore ito, nagti-taping ng My Destiny. Alam ko, pinauwi naman siya agad pagkatapos ng taping.

Isa si Mark sa pinaka-close sa akin noon dahil nagkasama kami sa ilang trabaho. Nakasama ako nu’ng nag-shooting sila ng Ms. X  kasama si Vilma Santos.

Masaya siyang kasama sa trabaho, kaya ang dami talagang nagmamahal sa nasirang aktor.

Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan ni Mark Gil. Malaking kawalan siya sa showbiz.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING