Mark Bautista, may dinidiskartehang modelo

ADVERTISING

Mark Bautista, may dinidiskartehang modelo

GE DIGITAL CAMERAMAY DINIDISKARTEHANG isang model ngayon si Mark Bautista. Pero ayaw niyang tukuyin pa kung sino ito.

“Basta malalaman n’yo rin,” aniya. “Crush-crush pa lang naman. Pinapangarap ko lang… sa ngayon! So, sana magtagumpay ako.

“Actually, una ko siyang napanood sa TV. At hinanap ko talaga siya sa mga social network sites. Wala siya sa Twitter. Sa Instagram pala siya nando’n. Naka-private pa. So, medyo private na tao. Nagbakasakali lang ako na baka i-accept. In-accept naman niya ako. Tapos ni-like-like ko lahat ng pictures niya, naging stalker ako! Hahaha!”

Nakapag-date na ba sila?

ADVERTISING

“Hindi pa. Ayoko namang biglain. Nagbibigay muna ako ng hint o motibo do’n sa social network.”

Gano’n ba siya dumiskarte sa babae? Medyo mabagal o hinay-hinay lang?

“Hindi. Ngayon lang. Kasi… iba ito, eh. Hindi kami nag-met somewhere. Sa TV ko lang siya nakita. So, alam mo ‘yon? And napaka-private niyang tao. So, hindi puwedeng biglain.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING