Mark Bautista, magpo-produce ng concert ng kapwa Pinoy singers

ADVERTISING

Mark Bautista, magpo-produce ng concert ng kapwa Pinoy singers

Mark-BautistaMAY MALAKING pasabog daw ngayon ang singer na ngayon ay certified concert producer na rin na si Mark Bautista. Sa kanyang latest concert na magaganap sa June 21, Saturday, 8 pm sa Crown Plaza Hotel, na siya mismo ang producer ay kakaibang Mark daw ang mapapanood dito.

Kuwento nga ni Mark nang bumisita ito sa DZBB sa radio program na Walang Siyesta kamakailan, “Malapit na, sa June 21, that’s Saturday sa Crown Plaza Hotel. Ang title ng concert ko ay “Mark Bautista, The Best of Me”.

“Ibang-iba ito sa last year concert ko sa Music Museum. Like last year kasi, puro standard songs ang kinanta ko, pero sa concert ko ngayon, kakaibang Mark Bautista ang mapapanood nila.

“Dito sa Concert ko, marami akong dance prod. So, makikita nila akong sumasayaw habang kumakanta. Pero may mga standard song pa rin. Hindi naman mawawala ‘yan since nasa hotel ako at marami pa akong gagawin.

ADVERTISING

“May portion din doon na pakakantahin ko ‘yung audience, dahil most of the songs na pinili ko sa concert ko, familiar ‘yung mga tao kaya alam kong makasasabay at makakakanta sila.

“Ibinuhos ko talaga lahat lahat dito sa show ko, kaya mag-e-enjoy ang mga manonood ng concert ko,” pagtatapos ni Mark.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING