Mark Anthony Fernandez, walang piyansa sa isang kilong marijuana

ADVERTISING

Mark Anthony Fernandez, walang piyansa sa isang kilong marijuana

Mark Anthony Fernandez
Mark Anthony Fernandez
Brothers Renz Fernandez and Mark Anthony Fernandez
Brothers Renz Fernandez and Mark Anthony Fernandez

Walang bail pala ‘yong kaso ni Mark Anthony Fernandez na nahulihan last Monday ng gabi ng isang kilong marijuana sa isang check-point sa McArthur Highway sa Angeles City, Pampanga.
Ganu’n yata kapag malaki ang quantity na nahuli sa isang suspect, ayon sa information sa amin ng isang kaibigan. More than 500 grams na iligal na droga o substance, no bail pala ito kapag nahuli ka.
May pakiusap ang ina ni Mark na si Alma Moreno na huwag daw sanang husgahan ang kanyang anak sa nangyari.
Ang latest nga, tila lumalaki ang sunog dahil sabi ng aktor, ang doctor daw niya ang nag-advice tungkol sa paggamit ng marijuana. Ang sabi ng mga nakatutok sa kaso ni Mark, baka nga raw idemanda pa si Mark ng kanyang doctor na nag-abiso diumano ng paggamit ng Marijuana para iwas kanser, dahil isinangkot pa niya ito.
Sa mga hindi nakababatid, makailang beses na ring nagpa-voluntary rehabilitation ang aktor dahil sa problema niya sa ipinagbabawal na gamot.
Habang isinusulat namin ito, tutoo ba na wala pa rin legal adviser or abogado si Mark, reason kung bakit sumasablay ang aktor sa kanyang statements?
Sabi ni Robin Padilla na tiyuhin ni Mark na minsan na rin nakulong, nagpapasalamat siya at buhay ang pamangkin nang mahuli ito. Sina Binoe at Daboy ay mag-pinsang buo.
Sa mga past scenario kasi na sunud-sunod ang suspects na napapatay, palaging rason ng mga kapulisan ay nanlaban ang suspected user or pusher kaya napapatay ito.
But on the lighter side, na-touch ako sa social media posting ng kapatid ni Mark na si Renz Fernandez (anak ni Rudy Fernandez kay Lorna Tolentino) ng old photo nila ng Kuya Mark niya.
Super close kasi ang mga kapatid ni Mark sa kanyang Tita Lorna Tolentino.
Sa photo posting ng kapatid, more or less ay three or four years old lang siguro si Renz na katabi ang Kuya Mark niya na super chubby at cute.
Sa kanyang IG posting, may mensahe si Renz sa kanyang Kuya, “You are in my prayers kind brother.”
Maging ang mga kaibigan ni Mark sa showbiz ay nag-like sa IG message ni Renz tulad nina Direk Dondon Santos, Dingdong Dantes, brother na si Rap, ang Tita LT niya, at marami pa showbiz friends ng aktor.
I just hope na maging fair ang magiging hatol sa kaso ni Mark.
Sayang, noong nagsisimula pa lang sa showbiz noon si Mark kung saan kabilang siya sa troika ng bagets nina Jomari Yllana at Eric Fructuso na mga alaga ni Tito Douglas Quijano, isa siya sa mga malalapit na bagets sa amin dahil sa pagiging super friendly niya tulad ng kanyang yumaong ama na si Daboy.
My prayers for you Mark at sana malampasan mo ang pagsubok na ito.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING