Mark Anthony Fernandez, arestado sa 1 kilong marijuana

ADVERTISING

Mark Anthony Fernandez, arestado sa 1 kilong marijuana

Mark Anthony Fernandez (screen grab from DZMM Teleradyo)
Mark Anthony Fernandez (screen grab from DZMM Teleradyo)

Kahapon, Monday (October 3), around 8:30 ng gabi, naganap ang pagkakahuli kay Mark Anthony Fernandez, na ayon sa police report na pinik-up ng mga istasyon ng radio, telebisyon at online news portals, nahulihan ang aktor ng  isang kilong marijuana.

Hawak ng Station 6 ng Angeles City, Pampanga ang kaso.

Ayon sa kuwento na narinig namin sa DZMM kaninang tanghali, nagkaroon ng habulan nang iwasan ng aktor ang checkpoint, kung saan nagkaroon pa diumano ng car chase. Pero in the end, nasukol din ng mga pulis ang aktor.

Rason ni Mark, para raw sa “cancer” ang marijuana na nahuli sa kanyang pag-iingat.

ADVERTISING

Iprinisenta ng pulisya sa San Fernando, Pampanga si Mark Anthony sa isang press conference bandang hapon.

Kaloka ang mga sunud-sunod na kaganapan at nagsimula nang mabulabog ang showbiz.

May nagkuwento sa amin na may dalawang aktres na dating sikat ang malamang na susunod na aagaw ng eksena at mahe-headline dahil sa droga.

‘Yong isang aktres, nag-level up na. Dating nagsi-shabu, pero this time ay iba na ang tinitira niya at super expensive ang bisyo niyang cocaine.

Ang pangalawang aktres, mas older sa unang aktres na nagko-cocaine. Kilala siya na user based sa mga tsismis na kumakalat noon pa na hindi mamatay-matay na kung pagbabasehan mo ang itsura niya, tuyo’t na si aktres at hindi makawala sa masamang bisyo dahil may bad influence na palaging kasama nito.

‘Pag natimbog ang dalawang aktres na ito, malaking istorya ito. But in fairness, ang dalawang dating sikat na mga aktres ay user lang at hindi pusher.

Basta kapag nagkahulihan, ayaw ko na magtakip sila ng mga mukha nila, dahil noon pa man ay pinagsasabihan na sila na tumigil. Pero sa katigasan ng ulo ng dalawa, ayaw pa ring paawat ng mga ito.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING