Marjorie Barretto, imbiyerna sa naudlot na pagsikat ni Julia Barretto

ADVERTISING

Marjorie Barretto, imbiyerna sa naudlot na pagsikat ni Julia Barretto

Marjorie-Barretto-Julia BarrettoHINDI NAMAN talaga maiiwasan na maimbiyerna ngayon si Marjorie Barretto sa mga nangyayari. Lalo na’t mismong ang kapatid niyang si Gretchen Barretto ay hindi nakapigil na purihin ang young actress na si Liza Soberano na leading lady ni Enrique Gil sa teleseryeng Forevermore ng ABS-CBN. Wala namang ibang intensiyon si Gretchen, aliw lang siya sa nasabing teleserye na pinag-uusapan ngayon, dahil malapit sa kanya si Enrique na nakasama dati sa isang teleserye.

ADVERTISING

Hindi rin naman kasi maganda sa pandinig ni Marjorie bilang Mommy ni Julia Barretto ang mga nakararating sa kanya, na ang mga nakasabayan ng kanyang anak na sina Liza at Janella Salvador na bida ngayon sa teleseryeng Oh, My G! ay umuusad ang mga kasikatan. Kung tutuusin, dahan-dahan lang sina Liza at Janella patungo sa kasikatan kumpara kay Julia na bongga ang pag-entra sa showbiz, dahil Barretto ang dala niyang apelyido.

Nawawala talaga ang ingay ng career ni Julia. Nasasapawan na siya nina Liza at Janella na parehong simple lang magdala ng kanilang popularity at walang mga kanegahang ingay na nakasasagabal sa pagsikat nila. Bilang mommy, nakalulungkot talaga para kay Marjorie na nasa kanyang anak na talaga ang mga katangian para sumikat si Julia, tulad nina Gretchen at Claudine Barretto, pero nauudlot nga yata ang kasikatang iyon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING