Marissa Sanchez, rated G ang jokes

ADVERTISING

Marissa Sanchez, rated G ang jokes

Marissa-Sanchez“I LAFF You!” ang title ng pre-birthday concert ng napakahusay na singer-comedienne na si Marissa Sanchez na gaganapin sa Area 05 (formerly Ratsky Morato).
Pinaghahandaan na nga ni Marissa ang mga bago niyang pasabog na repertoire at siyempre, kasama na sa mga aawitin niya ang mga cuts sa album niyang “Slowing It Down”.
Sa totoo lang, merong sariling crowd si Marissa na ‘pag nalalaman nilang me concert ang multi-faceted personality ay buy agad sila ng tickets at bitbit pa ang buong pamilya.
Dahil me narinig nga ako nu’ng minsan, “Dinadala ko lagi ang mga anak ko para panoorin si Marissa, dahil hindi nagmumura at hindi berde ang jokes niya on stage.”
Meron namang nagsabi ng, “Just listening to Marissa’s voice, alam mong singer ang bumibirit hindi basta singer na makakanta at makasigaw lang, ‘yun na ‘yon. Iba si Marissa!”
Kaya sa mga gustong panoorin si Marissa, tawag lang kay John at 09173844555 for ticket reservations.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING