Maris Racal, nahawa sa pagka-Noranian ng ina

Leo Bukas

INAMIN ni Maris Racal na talagang na-starstruck siya kay Nora Aunor nung malaman niyang gaganap siya bilang young Nora sa MMFF movie na Isa Pang Bahaghari ng Heaven’s Best Entertainment.

Ani Maris, “Ako po sa maikling experience ko po dun sa movie, ang pinaka-tumatak po sa akin ay yung pagka-starstruck ko kay Ms. Nora Aunor!

Maris Racal, nahawa sa pagka-Noranian ng ina
Maris Racal

“Yung naglalakad pa lang siya, yung heart ko, ‘My God! Ito yung palaging ikinukuwento ni mama, ito yung artistang sobrang idol niya! Tapos sinabi ko rin po sa kanya na sobrang idol siya ng mom ko.”

Dahil Noranian ang kanyang ina kaya naging Noranian na rin si Maris. Hindi pa raw na-meet nang personal ng ina ni Maris ang Superstar dahil taga-Cebu ito.

“Never siya nakapunta sa kung anumang ganap ni Ms. Nora dati,” wika pa ng dalaga.

Sobrang ipinagmamalaki rin daw ng kanyang ina na siya ang gaganap na batang Nora sa Isa Pang Bahaghari.

“Nire-rave niya talaga yung movie, parang hina-hype niya talaga ako, alam mo yung proud Mama, stage mom. Sinasabi niya sa mga friends niya na, ‘Young Nora Aunor yung anak ko so panoorin ninyo ang pelikula!’ Ganun siya, nakakatuwa, nakakatuwa talaga,” natutuwang kuwento ni Maris.

Bukod kay Nora at Maris ay kasama rin sa Isa Pang Bahaghari sina Zanjoe Marudo, Michael de Mesa, Phillip Salvador, Sanya Lopez at marami pang iba. The film is directed by Joel Lamangan at mapapanood na via Upstream.ph.