Maris Racal isiniwalat kung ano ang totoong nagustuhan kay Rico Blanco

Leo Bukas
MATAGAL ding panahon ang hinintay ni Maris Racal bago tuluyang na-pursue ang hilig niya sa musika.

Lahad ng dalaga, “Nung bata pa ako nag-start na akong magsulat ng songs but I never really focus on it kasi start na rin yon ng career ko sa acting and all. Mahirap kasing mag-focus sa dalawang malaking bagay.

“I can say na nahanap ko or naka-collab ko si Rico sa right time na marami na akong nasulat na songs.”

Maris Racal isiniwalat kung ano ang totoong nagustuhan kay Rico Blanco
Rico Blanco and Maris Racal

Kuwento pa niya, “Pinarinig ko yon sa kanya at nagustuhan naman niya. There are times din na may gusto akong gawin na he really said, ‘I think hindi pa ito ang tama na songs na i-release sa age mo kasi I think meron pang mas bagay sa age mo.

“Kasi I want your followers or your fans to grow with you as well but at the same time release some music na mas bagay.’”

Nakatulong ba ang pagiging in love nila sa isa’t isa to create good music together?

“Wala siya sa equation sa first part, eh. Biglaan na lang siyang nangyari. Parang hindi namin in-expect yon na mangyayari. Our collaboration was only for music lang and then may surprise na nangyari,” pagtatapat niya.

Anu-ano ba ang guidance na binibigay sa kanya ng boyfriend?

“Marami… marami po. In fairness naman kay Rico marami talaga siyang sine-share sa akin kasi as we all know meron naman siyang napatunayan sa music industry and then ako I’m just starting. So he really helps me, but at the same time he doesn’t over step.

“Parang hinahayaan niya lang ako. There are times na iniiwanan niya ako sa studio to write and finish the song to avoid over stepping. We have that line  that we follow,” sambit pa niya.

Si Rico Blanco na CEO ng Balcony Entertainment ang producer ng bagong single ni Maris titled Ate Sandali.

Maris Racal isiniwalat kung ano ang totoong nagustuhan kay Rico Blanco
Maris Racal

Bukod sa matagal na niyang idol si Rico, ibinahagi rin ni Maris kung ano ang nagustuhan niya sa ugali ni Rico at na-discover dito ngayong mag-on na sila.

“He is really a nice person. He is genuine and humble.  I know that he is humble pero  hindi ko alam na ibang level pala yung pagka-humble niya.  Wala sa utak niya yung status niya sa music industry,” deskripsyon niya sa boyfriend.

When asked kung ano ang kanta that best describe  their relationship ay saglit na napaisip ang singer-actress.

 “Wala akong maisip. Nahihiya ako. Ha-ha-ha! Puwedeng ano na lang, Time After Time. Maganda kasi yung song and siguro yan yung best song that can describe our relationship,” natatawang pagtatapos ni Maris.
Previous articleAra Mina ikinasal na sa fiance na si Dave Almarinez
Next articleSA PAGIGING KAPUSO: ‘Change is always scary, but it can also be beautiful’ – Bea Alonzo