Maris Racal, ginagamit na rin ang utak ‘pag nagmamahal

Maris Racal, ginagamit na rin ang utak ‘pag nagmamahal

Maris-RacalNA-IN LOVE na once si Maris Racal at naging matatag siya nang mag-break sila ng kanyang boyfriend.

“Mas naging strong ang heart ko. Marami akong natutunan talaga, na keep mo na strong ‘yung heart mo, kung nagmamahal ka, isali mo rin ‘yung utak mo,” chika ni Maris sa presscon ng Stars Versus Me na pinagbibidahan nila ni Manolo Predrosa.

As to rumors linking her to Brapanese model Daniel Matsunaga, never naman daw na naging sila.

“Kuya lang po talaga, parang ‘yung fan lang. Siguro po nu’ng time na nakilala ko siya sobrang happy and super kilig. Daniel Matsunaga na siya before pa ako (nakilala),” esplika ng dalaga.

Inamin ni Maris na medyo nagulat siya nang malamang dyowa na ni Daniel si Erich Gonzales.

“Akala ko magkatrabaho lang, ‘yung sweet na sweet talaga sila. Na-surprise ako, siyempre, pero kinilig din ako sa kanila.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas