Maris Racal at McCoy de Leon, click na click ang tambalan

Maris Racal at McCoy de Leon, click na click ang tambalan

Maris Racal at McCoy de Leon, click na click ang tambalan Mukhang malaki ang future na sumikat ng bagong lutong tambalan ng ABS-CBN na sina Maris Racal at McCoy de Leon, dahil may kilig factor sa mga manonood kapag nakikitang magkasama at magkaeksena ang dalawa sa “We Will Survive”.

Mabigyan lang ang mga ito ng magandang exposure at iba pang shows sa Kapamilya Network, pihadong meron na namang tambalang sisikat ang ABS-CBN na maihahanay sa KathNiel, JaDine , KimXi, at LizQuen.

Bukod sa “We Will Survive”, regular ding napanonood si McCoy de Leon sa “It’s Showtime”, kung saan isa siya sa pambato sa hatawan sa dance floor ng grupong Hashtag.

John’s Point
by John Fontanilla