Maris Racal at Manolo Pedrosa, huhusgahan na sa kanilang launching movie

Maris Racal at Manolo Pedrosa, huhusgahan na sa kanilang launching movie

Maris-Racal-Manolo-PedrosaNGAYONG MIYERKULES (June 3) na ang showing ng Stars Versus Me na launching movie nina Manolo Pedrosa at Maris Racal under Tandem Productions sa direksyon ni Joven Tan. Ayon sa magka-loveteam, napakalaki ng utang na loob nila kay Direk Joven na pinagkatiwalaan silang magbida sa Stars Versus Me.

Bago ang showing, ipinakita nina Manolo at Maris ang sipag nila sa pagpo-promote ng pelikula. Bukod sa mga TV guestings nila sa mga programa ng ABS-CBN, panay rin ang mall tour ng dalawa kapag weekend.

Tila wala silang kapaguran, masigurado lang na maging aware ang publiko at kanilang fans na meron silang pelikula. Siyempre, ikinatuwa rin ni Direk Joven Tan ang efforts ng magka-loveteam.

“Masisipag na mga bata. Hindi sayang ang tiwalang ibinigay namin sa kanila para rito sa launching movie nila,” sey pa ng direktor.

Masipag din ang dalawang Kapamilya stars na produkto ng Pinoy Big Brother All In na mag-promote sa kani-kanilang Twitter at Instagram account, kung saan libu-libo pala ang kanilang followers.

Samantala, ang Stars Versus Me ay base sa best-selling novel na mismong si Direk Joven din ang sumulat. Mabibili ito sa National Bookstores nationwide.

Kasama rin sa pelikula sina Jenine Desiderio, Matet de Leon, Arlene Muhlach, Kiray Celis at marami pang iba. May special participation naman sa movie si Ejay Falcon.

La Boka
by Leo Bukas