Marion, kasado na ang second leg ng bar tour

ADVERTISING

Marion, kasado na ang second leg ng bar tour

Marion with Michael Pangilinan & DJ Chacha
Marion with Michael Pangilinan & DJ Chacha

Bongga ang bagong single ni Marion na “Oo Nga Pala” na nagkaroon ng launching sa ABS-CBN’s MOR last week.

“Maganda ang tunog ng kanta, lalo na ang lyrics na swak na swak sa tipo ng singer na tinaguriang “Nora Jones of the Philippines”,” sabi ng isang kakilala namin na nakarinig nang i-launch ito sa radio show ni DJ Chacha, kung saan ang anak-anakan naming si Michael Pangilinan ay regular co-host ng malandying disc jockey every Tuesday.

Hopefully ay pumalo ang single ni Marion sa record sales at maging sa Spotify, kung saan dito na rin nagsu-subscribe ang karamihan sa fans niya.

Siyanga pala, sa second leg ng kanyang bar tour (una ‘yong sa 19 East Bar and Grill sa Parañaque), magkakaroon ng concert muli ang singer-composer sa Historia Bar na matatagpuan malapit sa kanto ng Sgt. Esguerra Ave. at Timog Ave. sa Quezon City.

ADVERTISING

Sa kanyang 2nd show, makasasama niya sina Michael Pangilinan (na babawi sa show na ito dahil stranded si Khiel sa return flight niya noong magge-guest sana ito sa 19 East show ng singer), Ash-Ash (younger sister siya ni Marion na super galing mag-perform at mag-compose din), at ang baguhanng si Kiel Alo. The show will be hosted by Ambet Nabus.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING