Marion Aunor, tuluy-tuloy ang pagsikat

ADVERTISING

Marion Aunor,  tuluy-tuloy ang pagsikat

Marion-AunorIN TWO years time, mabilis na umarangkada ang career ni Marion Aunor na anak ng isa sa pinakasikat na teen actress/singer nu’ng kanyang dekada na si Ms. Maribel “Lala” Aunor at pamangkin ng nag-iisang Superstar at mahusay na aktres ‘di lang sa bansa kung hindi maging sa ibang bansa ay kinikikala ang husay sa pagganap na si Ms. Nora Aunor.
Unang pasok pa lang ni Marion sa showbiz, kinakitaan na kaagad ng galing sa pagkanta at paglikha ng kanta, kung saan nanalo ito at ang kanyang awiting “If You Ever Change Your Mind” sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2013 na naging 3rd Place. Habang pumasok naman sa finals ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 ang kanyang inawit na “Pumapag-ibig” mula sa komposisyon ni Mr. Jungee Marcelo.
At nito namang katatapos na 6th PMPC Star Awards for Music nanalo si Marion bilang Best New Female Recording Artist para sa kanyang hit self-titled album. At sa pagpasok nga ng taong 2015, may bagong album itong ilalabas para sa kanyang mga loyal supporter.

 

Dubai-based Pinoy-Japanese singer/model Ryu Morikawa, magkakaroon ng birthday show

NAGING VERY successful ang katatapos na mall tour sa Starmall Edsa-Shaw, Starmall San Jose, Bulacan , Starmall Las Piñas at Starmall Alabang ng Dubai-based Pinoy-Japanese singer/Model na si Ryu Morikawa kasama ang Walang Tulugan Mainstay na grupong Full Force Dancers nitong buong buwan ng Setyembre.
At bago bumalik ng Dubai si Ryu para sa kanyang singing at modelling engagement, magkakaroon ito ng birthday show sa October 24, 2014 sa Fontana Leisure Park sa Clark Field, Pampanga, kung saan makakasama nito ang kanyang mga malalapit na kaibigan sa loob at labas ng Pilipinas.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING