Marion Aunor, slowly but surely sa kanyang singing career

Marion Aunor, slowly but surely sa kanyang singing career

Marion-AunorSLOWLY BUT surely ang kamada ng singing career ni Marion Aunor. Mula nang mapansin dahil sa kanyang composition sa isang songwriting competition in Himig Handog 2013, tila dahan-dahan ay natutupad na rin ang pangarap ng dalaga.

Yes, ang super talented na anak ng Teen Superstar of the 70’s na si Maribel “Lala” Aunor (remember the Apat na Sikat together with Arnold Gamboa, Winnie Santos, and Dondon Nakar?) ay hindi lang isang singer kundi isa ring composer.

Sa katunayan, sa debut album nina Kathryn Bernardo at Alex Gonzaga, ang mga carrier singles, si Marion ang nag-compose. She wrote “You Don’t Know Me” for Kathryn and “Goodbye Kiss” for Alex.

Not to forget siyempre na hindi lang sa pagko-compose kilala si Marion dahil this sweet girl also sings ang super talented.

Sa katunayan, this Friday, April 10 at 8:00 pm, Marion will be celebrating her birthday with a concert dubbed “Take A Chance” at the Teatrino in Greenhills.

Special guests ng singer-composer sina Michael Pangilinan, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Edward Benosa, and siyempre, not to forget ay ang younger sister ni Marion na si Ashley who plays the guitar and also sings well.

Sayang nga lang, sa karaawan ni Marion, zero pa rin ang lovelife niya after she broke-up with her boyfriend more than two years ago.

“Love can wait. I’m enjoying my career now. And’yan lang sila,” natatawang pahayag ng birthday girl.

Reyted K
By RK VillaCorta