Marion Aunor, record producer na ni Leila Alcasid!

ADVERTISING

Marion Aunor, record producer na ni Leila Alcasid!

Marion Aunor, record producer na ni Leila Alcasid!
Marion Aunor with Leila Alcasid and record producer Kid Wolf

NAGSIMULA NA last Monday, August 14 ang tambalan nina Marion Aunor at Leila Alcasid (daughter of Ogie) as record producer-composer at singer naman ang dalagita.  

 
After the long wait, natuloy na rin sa wakas ang pagre-record ng unang single ni Leila na ayon sa description ni Marion sa messenger chat namin: “She has a beautiful and unique voice and mabilis siya maka-pick-up ng harmonies and instructions. Great to work with her,”panimula ni Marion.
            First day of recording nila ni Leila.  One song pa lang ang nirecord nilang dalawa with the help of “Kid Wolf” na isang veteran record producer na ito rin ang nag-produce ng unang album ni Marion na recently lang ay siya ang record producer ng BoyBand PH at ang ng kay Inigo Pascual.
 
When asked kung ano ang magiging tunog ni Leila, sabi ni Marion sa amin:

“It’s a cross between my songs na part ng Top 40’s ngayon.”

As record producer, first ni Marion na i-produce si Liela for Star Music. Sa iba, she had written songs for Sharon Cuneta and Jona (both na hindi pa naire-release); ‘yong kay Kathryn Bernardo, Marion composed “You Don’t Know Me” for Kath’s first album.

Marion Aunor, record producer na ni Leila Alcasid!
Marion Aunor working on the studio with Kid Wolf
At ang latest good news para sa singer-composer, ang ginawa niyang song for Ylona Garcia na “Not Yo Bae” is nominated for this year’s Awit Awards Best R & B Recording.
Sa kabisihan ni Marion (composing, producing at shows); nabago ang plan ng dalaga na mag-aral sana sa US this year.

ADVERTISING

Goodluck my dear Marion sa mga endeavors mo. I’m happy for you.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING