Marion Aunor, nakikisakay lang sa kasikatan ni Nora Aunor?

ADVERTISING

Marion Aunor, nakikisakay lang sa kasikatan ni Nora Aunor?

Marion-AunorPALAISIPAN DAW para sa mahusay na singer na si Marion Aunor ang suhestiyon ng iba’t ibang taong nakakasalamuha nito kaugnay sa paggamit niya ng apelyidong Aunor.
May iba raw kasing nagsasabi na nakiki-ride on lang ito sa apelyido ng kanyang Superstar na tita na si Ms. Nora Aunor kaya naman daw alisin na nito sa kanyang screen name at itira na lang at gamitin ang pangalan nitong Marion.
May iba namang nagsasabi na ayos lang naman daw na gamitin niya ang Aunor dahil mula naman siya sa angkan ng mga Aunor kaya may karapatan siyang gamitin ito at malaking tulong nga raw ang paggamit ng apelyidong Aunor dahil mas madali siyang matatandaan ng tao.
At sa ganitong usapin daw, ayaw na lang makisali ni Marion dahil wala naman daw sa kanyang problema kung gagamitin niya ang Aunor dahil sa pagsisimula ng kanyang singing career ay gamit na niya ang apelyidong Aunor.
Hahayaan na lang daw niya ang kanyang management na mag-decide dito. Kung ano raw ang desisyon ng Star Magic at Star Records ay siya raw nitong susundin.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING