Marion Aunor, may panghihinayang sa Himig Handog

ADVERTISING

 alt=

Marion-AunorSPEAKING OF singer, hindi lang basta magaling singer kundi magaling ding songwriter/ composer itong si Marion Aunor. Sa katunayan, sa kanyang unang sabak pa lang sa Himig Handog P-Pop Love Songs Contest last year, second-runner up o pang-third ang sinulat niyang “If You Ever Change Your Mind” na siya rin ang kumanta.

ADVERTISING

Sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014, kasali pa rin si Marion. But this time, in-interpret niya ang composed song ni Jungee Marcelo na “Pumapag-ibig”. Very trendy ang kanta at in na in sa social media generation, lalo na sa teenagers. Since daw nang makatrabaho niya ang composer, plinano na nilang mag-collaborate, at dito nga sa Himig Handog natuloy.

Hindi pala alam ni Marion na puwede pa pala siyang sumali. “Hindi ko nga alam na p’wede pa palang sumali, kung alam ko nga lang… Pero by next year, sasali ako, hopefully,” sabi pa ng singer na mas ipina-package ng Star Records at Star Magic bilang musician (singer-composer), not just song interpreter.

Natutuwa naman si Marion na nasi-share ang music niya thorugh teleserye ng mga ABS-CBN, tulad ng sa Be Careful With My Heart, Apoy sa Dagat at Moon of Desire. Isinama rin sa soundtrack album ng Got To Believe ang isa niyang kanta.

ADVERTISING

Excited ding ikinuwento ni Marion na kasama rin sa ginagawang album ni Kathryn Bernardo ang isa niyang kanta.

Samantala, gaganapin ang finals night ng Himig Handog P-Pop Love Songs sa September 28, 2014, 7pm, sa Smart Araneta Coliseum. Para naman sa gustong bumuto para sa ‘Favorite Intepreter Award’, just log on to: www.himighandog.abs-cbn.com

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING