Marion Aunor, hindi atat magpakaaktres

ADVERTISING

Marion Aunor, hindi atat magpakaaktres

Marion-AunorCONSISTENT SI Marion Aunor na kapag mayroong mga natutuwa at kinukumbinsi siya na subukan na ang acting, hindi naman siya atat na atat at tumatanggi muna sa ideya na magpakaaktres kaagad. Ang ginagawa muna kasi niya talagang pagpapakilala sa showbiz ay ang pagiging singer, dahil iyon ang kanyang first love, at dahil masipag naman siya ay napapansin na siya at napapatunayan na talaga niya ang kanyang sarili, dahil kakaiba rin naman ang timbre ng kanyang boses.

Ang dapat lang munang medyo basagin ni Marion sa pagdadala niya ng kanyang personality ay ‘yung medyo class ang dating niya. Kapag kasi hindi pa siya nakakausap ng mga tao, parang isnabera ang dating niya na malayung-malayo sa kanyang Mommy at dating nag-artista at miyembro ng Apat na Sikat na si Maribel Aunor. English speaking din kasi si Marion, kaya akala mo talaga ay medyo isnabera siya.

Sa isang mahabang pakikipagkuwentuhan namin kay Marion, nakaaaliw ang ugali niya na kikay rin pala siya kapag nakausap mo na siyang matagalan. Palabiro na siya at masayang kausap. Hanggang ngayon, naaaliw pa rin si Marion na sa tuwing kasama niya ang kanyang Mommy sa pagrampa sa showbiz, nalalaman niya na mapakisama pala si Maribel nu’ng bagets pa lang siya at kanyang kasikatan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING