Marion Aunor, ‘di maisingit ang lovelife sa hectic schedule

ADVERTISING

Marion Aunor, ‘di maisingit ang lovelife sa hectic schedule

Marion-AunorANG SIPAG ni Ms. Lala Aunor, ina ng singer na si Marion Aunor, dahil bukod sa nagha-handle ng publicity ng mga shows ng kanyang anak ay siya mismo kusang nagdi-disseminate ng information ng mga kaganapan sa career ng kanyang anak.

Sa katunayan, come December, raratsada si Marion sa series of shows niya sa USA and Canada.

Aalis ang mag-ina (kasama na rin si bunso na si Ashley sa December 16, kung saan doon na sila mag-i-spend ng Christmas and New Year.

Sa katunayan, loaded ang schedule ni Marion sa last stretch of 2015. Sa mga fans niya sa New York and New Jersey, here’s Marions’ schedule: A show at D’ Haven (New York) on Dec. 18; Step by Step Dance Sport (New Jersey) on Dec. 19 produced by Chris Bautista of SIRHC Productions; Ichiban Comedy Bar (San Francisco, CA) in Dec. 20; Canada Inns Destination Center Transcona (Winnepeg, Canada) on Dec. 27 produced by Rey Ar Reyes.

ADVERTISING

But before Marion leaves for her series of shows, magkakaroon muna siya ng promo tour this coming Sunday, Nov. 29 at the Lucky Chinatown at 5 in the afternoon to promote her songs like “Free Fall Into Love” at ang personal favorite ko na “Ako Siguro” composed by her sister Ashley na super hugot ang mga lyrics at tama ang timpla ng melody.

Next year (2016), magkakaroon naman ng grand launch sa first quarter of the new year ng kanyang 2nd album mula sa Star Music simply titled “Marion” (wala nang Aunor na karugtong sa professional name ng singer-composer) at ang kanyang firtst ever acting experience sa pelikulang Tibak mula sa direksyon ni Arlyn dela Cruz.

Ngayon, tell me kung saan isisingit ni Marion ang kanyang “lovelife” sa sobrang hectic ng work schedule niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING