MARION AUNOR AT XIAN LIM, NAGKATULUYAN!

ADVERTISING

MARION AUNOR AT XIAN LIM, NAGKATULUYAN!

MARION AUNOR AT XIAN LIM, NAGKATULUYAN!
Marion Aunor and Xian Lim

NATUTUWA AKO sa mga kaganapan sa music career ng anak-anakan namin na si Marion Aunor since she signed up with Viva Artist Agencyy (VAA). Ang dami nilang mga projects na hindi magkandaugaga ang singer-songwriter sa mga assignment niya.

Simula nang lumipat siya sa VAA, ang daming bookings and projects na ginagawa si Marion at ang major assignments nga niya  recently ay ang pagcompose niya ng theme song ng latest movie nina James Reid at Nadine Lustre na “Sana” aside from the theme song ng movie nina Sam Milby at Yassi Pressman na madaming press people ang nagkagusto because of the lyrics and melody nang i-perform ni Marion ang theme song during the press conference of their film noon.

 And the lastest on Marion? Dapat matuwa at ma-excite ang mga Xian Lim fans worldwide dahil nagkatuluyan sila ni Xian.

Yes, she just finished a composition for Xi entitled “Heto Na” na isang love song na tipong pop ang genre which will be released very soon.

ADVERTISING

Katatapos lang nila mag-recording early this week for the said project na for sure will be out very soon sa Spotify, etc.

Marion’s coming ganaps will be her super-super major album for Viva Records na ngayon pa lang ay nagsisimula na siya mag-compose.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING