Mario Maurer, mas pinanood kaysa kay Erich Gonzales sa kanilang movie

ADVERTISING

Mario Maurer, mas pinanood kaysa kay Erich Gonzales sa kanilang movie

Mario Maurer, mas pinanood kaysa kay Erich Gonzales sa kanilang movieBLIND ITEM: Grabe sa pagka-chain smoker ngayon ang isang bagets na tinitilian pa mandin ng napakaraming fans. Sa murang edad, nakiki-pagkumpetensiya na siya sa hininga niya sa isang actor na may dalawang teleserye sa sobrang hitit-buga ng yosi.

Wala naman sigurong problema kung nasa tamang edad na siya, eh. Pero “teenager” pa lang siya, ang lakas na niyang humitit. Katatapos lang ng isa, sindi na naman siya ng panibago.

Juice ko, ano kaya ang sinasabi ng kanyang ka-loveteam? Hindi ba ito naaantutan sa hi-ninga niya ‘pag magkaeksena sila o laging nagga-gurgle ng mouthwash ang lolo mo bago mag-eksena?

Nako, kahit na. Dapat, huminto na muna siya. Actually, ang parents nitong mga artista rin ay sinasaway naman ang bagets, pero o-oo lang, at balik na naman.

ADVERTISING

Sayang naman

‘yung biglang sikat ng bagets na ito kung at this early ay magkasakit na siya at lalo siyang mangayayat, ‘di ba?

Hay, nako, anak… hindi porke alam mong sikat ka, eh hindi ka na bababa o magkakasakit dahil sa sobrang lakas mong magyosi.

Ikaw ang gumawa ng pa-ngalan mo, ikaw rin ang sisira niyan.

 

NAKAKATUWA ITONG Thai Superstar at tinaguriang Mr. No Pores, dahil aliw na aliw siya sa Pilipinas at sa mga Pilipino. Kaya nu’ng naimbitahan kami sa presscon ng Suddenly It’s Magic, talagang nakiusap kami sa AdProm nitong sina Roxy Liquigan at Mico del Rosario na magpapa-picture kami kay Mario Maurer.

At natupad na nga ang a-ming hiling. Ayan at sa twitter ay si Mario (kasama niya siyempre ako, dahil twitter account ko ‘yon, wala siyang choice) ang aming profile pic.

At makailang beses na-ming zinum-out ang picture sa aming celfone at totoo ngang siya si Mr. No Pores, hahaha! Napakakinis na bata. Hindi nakakasawang tingnan.

Kaya nga ‘yung mga nakapanood na ng movie nila ni Erich Gonzales na nakausap namin, “Si Mario talaga ang pinanood namin, hindi si Erich!”

Hahahaha! I’m sure, pati si Erich, intinding-intindi ‘yung katotohanang ang mga babae at mga bading ay talagang si Mario ang pakay ng kanilang panonood, secondary na lang si Erich at ang kuwento.

Weather they like it or not, si Mario talaga ang puno’t dulo ng kanilang panonood ng movie ng Star Cinema.

 

NGAYON PA lang ay kinakabahan na si Janice de Belen kung anong sorpresa ang naghihintay sa kanya this Saturday sa Showbiz Inside Report bilang birthday celebration niya.

“Nako, dalawa lang ang puwedeng maganap sa show natin,” susog ni Carmina Villarroel,  “It’s either may magwo-walk in or may magwo-walk out!”

Hahahaha!

Juice ko, ‘eto nga’t maging kami ay nagre-research na rin ng aming sorpresa kay Janice.

But at this point, gusto lang naming papurihan si Janice, dahil ito ang klase ng kaibigang basta kaibigan ang nampipikon sa kanya ay hinding-hindi mo siya mapipikon.

Ilambeses na naming inaasar ‘yan ni Cong…. ah este, Tsong Joey Marquez sa show, pero tinatawanan lang niya. Kaya ewan lang namin this Saturday kung matatapos na rin ang aming friendship dahil baka ito na ‘yung ikapipikon ni Janice, hahaha!

Happy, happy birthday, Mare! Mahal na mahal ka ng pamilya mo sa Showbiz Inside Report, alam mo ‘yan.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING