Marika Sasaki, idolo sina Angel Bonilla at Rose Fostanes

ADVERTISING

Marika Sasaki, idolo sina Angel Bonilla at Rose Fostanes

Marika Sasaki
Marika Sasaki

Excited ang Kapuso teen actress/ singer na si Marika Sasaki na makasama sa concert ang dalawang Pinoy

international singer na sina Angel Bonilla (2nd placer sa Discovery Pop Music Festival) at Rose “Osang” Fostanes (X Factor Israel Grand Winner) sa Voices Concert na gaganapin sa August 24, 9 p.m. sa Zirkoh Tomas, Morato, Quezon City.

Tsika nga ni Marika, “Isang malaking karangalan po sa akin ang makatrabaho sina Miss Angel at Miss Osang sa concert. Ang katulad kasi nila ang itinuturing kong inspirasyon para mas pagbutihin ko ang pagkanta. And katulad nila na nakapagbigay-karangalan sa bansa , sana makapagbigay rin ako ng karangalan sa Pilipinas.”

Katulad ni Angel Bonilla at Osang dream din daw ni Marika ang magkaroon ng sariling concert. “Every singer naman po siguro, ‘yun ang dream, ang magkaroon ng sariling concert. Hopefully, sana ako rin, magkaroon ng solo concert. Hahaha!”

ADVERTISING

Bukod sa pagkanta, mahusay ring umarte si Marika na everyday na napanonood sa “Magkabilang Mundo” na pinagbibidahan nina Louise Delos Reyes at Juancho Trivino.

Makasasama ni Marika sa Voices Concert ang The Fabulous Girlfriends, Knights Band, Zero Ground, sina Mei Cruz, Ron Mclean, ang Four Dimensions, sina Osang, Michael Pangilinan, ang The Brats at si Idolito Dela Cruz.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING