Mariel Rodriguez, walang pakialam sa kinikita ni Robin Padilla

ADVERTISING

Mariel Rodriguez, walang pakialam sa kinikita ni Robin Padilla

Mariel-Rodriguez-Robin-PadillaHINDI ITINAGO ni Mariel Rodriquez ang katotohanang nangyayari sa kanila ni Robin Padilla, tulad ng kanilang talent fee sa kada show na pinaglabasan.

Ayon kay Mariel, hindi raw niya kinukuwestisyon kung saan dinadala ni Robin ang pera nito dahil alam naman daw niya na bukod sa may mga anak ito kay Liezl Sicangco na dapat sustentuhan, may foundation pa ang actor na patuloy na sinusuportahan.

Minsan daw ‘yung talent fee niya ay nagagamit na pambayad sa mga bills sa bahay at personal niyang gastos. Pero kapag wala siyang pera ay si Robin naman ang sumasagot ng lahat ng kanilang pangangailangan.

Dahil sa sobrang pagmamahal daw niya kay Robin ay walang problema at okey lang daw kay Mariel ang ganitong set-up. Sinusuportahan niya ang kanyang mister at ‘di raw siya nangangamba na darating ang panahon na maghihirap sila ni Robin dahil naniniwala siya na may magandang kapalit ang mga ginagawang pagtulong ng mister sa kapwa.

ADVERTISING

Inamin din ni Mariel na kaliwa’t kanan ang offer na dumarating kay Robin para pumasok sa pulitika at tumakbong senador pero tinanggihan ng actor.

Ayon naman kay Robin, naniniwala pa rin raw naman siya kay PNoy maliban lang daw roon sa mga buwaya sa tabi ng Pangulo. Ang daming buwaya raw sa tabi ng Pangulo. Mawawala lang daw ang paniniwala niya kay PNoy kapag nag-endorso raw ang Pangulo ng buwaya.

Sa tanong kung sino ang tutulungan at iiendorso niya sa 2016 election, kaagad na salag ni Robin ay wala pa raw hanggang sa ngayon.

Ang nasa isip at concentration daw nila ngayon ni Mariel ay ang pagho-host ng Talentadong PInoy sa TV5.

Mas masarap daw tingnan at makasama ngayon ang mga kababayan nating may kakaibang katangian at karunungan na bihira lang daw mabigyan ng atensyon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING