Mariel Rodriguez, wala ng insecurity at ‘di na selosa

Mariel Rodriguez, wala ng insecurity at ‘di na selosa

Mariel-RodriguezMARIEL RODRIGUEZ is unperturbed over reports that her husband Robin Padilla will be working with porn star Maria Ozawa.

“Actually, hindi ko siya talaga alam. And then hindi ko rin talaga alam ‘yun. Nakita ko lang sa Facebook. Sa social media ko lang nalaman,” chika ni Mariel during taping break for Happy Wife Happy Life.

Ni hindi nga niya tinanong si Robin tungkol doon. Hindi siya bothered. “Hindi, kasi hindi naman siya gagawa ng porn”.

Wala nang insecurity si Mariel at hindi na rin siya nagseselos.

“Hindi naman siguro maganda na ganoon ka mag-isip, eh,” sabi niya.

Super happy si Mariel dahil part siya ng Happy Wife Happy Life which she co-hosts with LJ Moreno and Danica Sotto.

“Sabi ko nga, thankful ako dito sa show kasi dumating ito noong medyo down ako. So dahil ditto sa show na ito ay mabilis akong naka-recover so I owe the show a lot. That’s how I see it. Parang ito ang ibinigay sa akin ni God. Don’t worry, pa-busy-hin muna kita, next time na kita bigyan ng anak,” sabi ni Mariel na makasasama ni Robin sa Spain to trace the latter’s roots. Doon ba nila bubuoin ang another baby?

“Nandoon na kami sa kung ibibigay ay ibibigay, hindi ‘yung parang gagawin. Baka ma-stress ka lang lalo tapos masa-sad ka kapag hindi naganap.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas