Mariel Rodriguez, theraphy ang bagong show para makapag-move-on sa pagkakunan

Mariel Rodriguez, theraphy ang bagong show para makapag-move-on sa pagkakunan

Mariel-RodriguezNAKATULONG NANG malaki kay Mariel Rodriguez ang pagiging co-host niya sa TV5 program na Happy Wife, Happy Life para tuluyang makapag-move-on sa pagkawala (miscarriage) ng first baby sana nila ni Robin Padilla. Masaya naman siyang winelcome nina Danica Sotto at LJ Moreno bilang co-host.

“It came in very timely, itong show na ‘to. Sabi ko nga, ganu’n ako kamahal ni God. Kasi ayaw ni God na matagal akong mag-dwell du’n sa pinagdaanan ko. Gusto Niyang agad na makapag-move-on na ako and He gave me this project.

“Kasi nakikita niya that I’m really enjoying what I’m doing and it really helped a lot. This show is start of my… hindi naman second chance, pero parang binigyan niya ako ng sigla ulit. Totoo po iyon. So, I’m really very grateful,” sey ni Mariel.

Tuwang-tuwa rin daw si Robin na bumalik na siya sa paghu-host. “Masaya siya para sa akin. Ito kasi talaga ako, eh. Gustung-gusto ko talaga ang mag-host and parang in a way, naging therapy na rin ito sa akin,” dagdag pa niya.

La Boka
by Leo Bukas