Mariel Rodriguez, sa Amerika manganganak; Robin Padilla, ‘di masasamahan ang asawa

ADVERTISING

Mariel Rodriguez, sa Amerika manganganak; Robin Padilla, ‘di masasamahan ang asawa

Mariel Rodriguez & Robin Padilla
Mariel Rodriguez & Robin Padilla

Six months nang buntis si Mariel Rodriguez. Kung maaalala pa, naging delikado ang kalagayan ng celebrity host sa pagdadalan-tao niya sa early stage kanyang kalagayan.

Kung maaalala pa, makailang beses na rin siyang nakunan, lalo pa’t delicate ang situation ng pagbubuntis niya. Kaya nga nang makumpirma na maganda ang pagdadalan-tao ni Mariel, unang-una nang natuwa ay ang mister niyang si Robin Padilla.

Matagal na nilang inaasam na magkaroon ng baby, but this time, sa awa ng Dios ay pinagbigyan sila.

Pero during the presscon of Robin Padilla (kasama ang kapatid na si Rommel as endorser), para sa Bravo Food Supplement for Men, napag-alaman naming mula sa business manager ni Binoe na si Betchay Vidanes na sa Amerika magsisilang ng kanilang unang baby si Mariel.

ADVERTISING

“Hindi ko sure kung makasasama siya (Robin) sa Amerika,” kuwento ni Betchay sa amin.

Sa pagkakaalam ko, may problema yata si Robin sa kanyang US Non-Immigrant Visa kung bakit hindi makapunta sa US of A ang actor.

Kung passport din lang naman ang isyu, clear ang estado ng actor dahil nakapagbibiyahe si Binoe sa iba’t ibang bahagi ng Asia para sa promotion ng iniendorsong money remittance company.

Kung maaalala pa, unang bumiyahe si Robin noon sa Spain, kung saan sumunod na lang si Mariel, pero never pang nagkasama ang dalawa sa isang biyahe sa Amerika.

We just hope, as a supportive husband ni Mariel, makasama sana si Binoe sa Amerika para maalalayan ang misis niya sa panganganak nito roon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING