Mariel Rodriguez, plantsado na ang paglipat sa TV5 Pokwang at Valerie Concepcion, nagpaparamdam din kay Willie Revillame?!

ADVERTISING

Mariel Rodriguez, plantsado na ang paglipat sa TV5 Pokwang at Valerie Concepcion, nagpaparamdam din kay Willie Revillame?!

Mariel Rodriguez, plantsado na ang paglipat sa TV5 Pokwang at Valerie Concepcion, nagpaparamdam din kay Willie Revillame?!

ISA SA MGA araw na ito ay pipirma na  si Lorna Tolentino sa Kapatid Network at sisimulan na niya ang drama series na gagawin niya roon.

Malapit na rin silang mag-taping, kung saan may working title na Glamorosa. Hindi ko rin sure kung ito na talaga ang title. Pero kasama niya rin dito si Tonton Gutierrez, na kung puwede lang, type din sana nilang isama si Amy Austria.

Iba na kasi talaga ang bonding nila pagkatapos nilang magsama sa Minsan Lang Kita Iibigin, kaya kumportable na silang magkasamang nagtatrabaho. Pero hindi naman puwede silang tatlo na lang lagi. Hindi naman package deal sila, ‘no!

ADVERTISING

Mabuti na lang at maganda rin ang offer ng Singko kay Tonton kaya ayun, nagsama sila ni LT uli.

Si Amy naman ay magbabakasyon daw muna sa New Zealand at medyo matatagalan siya roon kasama si Duke Ventura, siyempre para madalaw nila roon ang anak nilang si Alexandra.

Ibabalita ko naman sa inyo kung kailan na ang contract-signing dahil may mga konting revisions lang sa contract, magpipirmahan na.

 

ABANGAN N’YO NA rin ang susunod na lilipat sa TV5 dahil mukhang plantsado na rin ang kay Mariel Rodriguez.

Ang dinig ko isasama na siya sa Wil Time Bigtime ni Willie Revillame. Ayaw pa namang kumpirmahin sa amin ‘yan ni Willie dahil wala pang pirmahan. Mahirap na nga naman at baka mapigilan pa.

Pero marami na ang nakapansin na parang wala nang gana si Mariel sa hosting niya sa Happy, Yipee, Yehey at sinasabi naman nilang posibleng lumipat na nga sila sa TV5. Patapos na rin kasi ang Guns and Roses ni Robin Padilla, kaya malamang silang mag-asawa na ang lilipat.

Ang alam ko, nakikipag-usap na si Mariel sa mga staff ni Willie at kung nagkaayos na nga sila, abangan natin sa first anniversary ng kanilang Wil Time, Bigtime sa October 22, baka roon na nila i-welcome si Mariel.

Paano na lang ang alaga kong si Shalani Soledad?

Sabi naman ni Willie, ganu’n pa rin ang status ni Shalani sa Wil Time Bigtime. Maganda nga naman kung madagdag si Mariel para mas masaya.

Ang dinig ko pa nga, nagpaparamdam din daw sina Valerie Concepcion at Pokwang, pero ewan ko lang kung puwede ‘yun dahil baka magmukhang Wowowee na nga sila niyan. Kinasuhan na nga sila ng ABS-CBN 2 na nangongopya kaya okay na siguro kung si Mariel na lang, ‘di ba?

Anyway, abangan na lang natin at magkakaroon din ng announcement iyan!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING