Mariel Rodriguez, pinagselosan ang contestant ng PGT

ADVERTISING

Mariel Rodriguez, pinagselosan ang contestant ng PGT

Mariel Rodriguez, pinagselosan ang contestant ng PGTIsa sa mga hurado ng “Pilipinas Got Talent” si Robin Padilla at last Sunday nga ay nanonood pala si Mariel Rodriguez-Padilla sa naturang show.

Nag-react si Mariel nang ang nag-perform na ay ang pole dancer na si Celine Venaryo, dahil makailang beses kasing nakunan ng camera si Robin na titig na titig sa performer na mistulang nabighani ito sa kaseksihan at kagandahan ng contestant.

“Naku, masusubok na naman ang asawa ko, hehehe, pole dancing pala!!! #PGTHanepSaGaling” unang tweet ni Mariel.

Na sinundan pa ito ng isa pang tweet, “Mag-enroll ako sa pole dancing bukas promise! #PGTHanepSaGaling.”

ADVERTISING

Isa pa niyang tweet, “Don’t worry guys, okey pa ang TV namin dito sa bahay. Ha, ha, ha cute #PrayforMarielsTV ha ha #PGTHanepSaGaling.”

Iisipin mo tuloy na talagang nagseselos si Mariel sa naging reaction ni Robin habang pinanonood ang nagpo-pole dancing na cute at seksing pole dancer contestant sa PGT.

Ang totoo pala ay natawa si Mariel sa naging reaction ni Robin habang titig na titig sa contestant. Na-cute-an pa nga raw si Mariel sa naging hitsura ng husband niya na si Robin Padilla.

Noon daw nasa Fairview sila naninirahan ni Robin, gusto raw talaga ni Mariel mag-aral ng pole dancing. Katunayan ay mayroon nga raw silang pole installed sa kanilang gym sa house. Problema ay wala raw silang makuhang teacher na magtuturo sa kanya ng pole dancing.

Sa ngayon, naka-concentrate si Mariel Rodriguez sa pagiging co-host ng “It’s Showtime” at nag-a-adjust sa schedule ng naturang noontime show sa ABS-CBN.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING