Mariel Rodriguez, nakatutok kay Robin Padilla para maalalayan

ADVERTISING

Mariel Rodriguez, nakatutok kay Robin Padilla para maalalayan

Mariel-Rodriguez-Robin-PadillaALL OUT ang suporta ng misis niyang si Mariel Rodriquez sa hosting job ni Robn Padilla come this weekend sa panimula ng Talentadong Pinoy sa TV5.

Alam natin na forte ni Mariel ang hosting (kaysa sa acting) kaya kahit saan mo man siya isabak, expected na magsi-shine siya sa kanyang carft.

Si Binoe, mas kilala ko bilang artista and not as a host, pero dahil sa maganda ang chemistry ng mag-asawa at suportado nga ni Mariel si Binoe, malamang sa hindi, Robin will pass the test as a host with flying colors.

Sa Instagram at Twitter account ng mag-asawa, ina-update nila ang kanilang supporters at fans sa mga kaganapan sa pilot episode taping ng show na kinunan last week.

ADVERTISING

Pero si Mariel mismo ang personal tutor ni Binoe. Siya mismo ang nagtuturo sa mister kung papaano mapaigi ang hosting nito sa talent show na may kakaibang twist ayon sa paliwanag ni misis.

“It’s not usual talent competition. Parang defender din si Robin. Tagapagtangol sa mga contestant na gusto rin niyang manalo,” paliwanag ni Mariel sa kanyang IG account.

Alam ko, relax na relax si Robin kapag ini-interview mo siya. Actually, mas gusto niyang magkuwentuhan na lang kaysa sa may nakatutuok o nakasahod na tape recorder sa harapan niya.

The fact na isa sa pinakakaswal nating celebrity si Binoe when it comes to interviews, malamang sa hindi, maalpasan niya ang test sa darating na Sabado.

Suggestion lang, sana may portion si Binoe at Mariel na every week ay magpakitang-gilas sila ng kanilang mga hidden talent sa televiewers para dagdag interest sa mga manonood.

By the way, bukod sa Talentadong Pinoy, may gagawin din si Binoe kasama ang kapatid na sina Rommel Padilla (ama ni Daniel) at BB Gandanghari na tipong sitcom.

Goodluck, my ka-batch bukas!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING