Mariel Rodriguez, nagseselos kay Piolo Pascual? – Morly Alinio

ADVERTISING

Mariel Rodriguez, nagseselos kay Piolo Pascual? - Morly Alinio

Mariel Rodriguez, nagseselos kay Piolo Pascual? - Morly AlinioNAIIIPIT NGAYON SI Mariel Rodriguez matapos na magbiro ito sa ilang movie press na kumausap sa kanya sa Wowowee.

ADVERTISING

Ang senaryo kasi ay ganito: noong Lunes ay nagtanong sa kanya ang ilang movie press kung kanino siya nagseselos para kay Zanjoe Marudo. Iniisa-isa ng movie press ang mga babaeng naging leading leady ng aktor at ang ilan nga rito ay sina Toni Gonzaga at ang latest ay si Eugene Domingo. Ayon kay Mariel ay wala ni isa man sa mga nabanggit ang pinagseselosan niya at ang nakaaaliw as in nakababaliw ay nang bumulong siya nang walang sound na para bang sinasabi ang pangalang Piolo Pascual na naging dahilan para magkatawanan at maghalakhakan ang lahat.

At dahil sa naging reaction ni Mariel sa nakaraang interbyu niya ay hindi ngayon maiwasang magtanong sa kani-kanilang mga sarili ang mga tao. Totoo nga bang si Piolo ang pinagseselosan ni Mariel para kay Zanjoe?

Well, kung kami ang tatangunin siguro ay hindi kasi hindi pa naman namin nakikitang naglalandian sina Zanjoe at Piolo sa isa’t isa. Iyan ay sa totoo lang.

ADVERTISING

Yayo Aguila at William Martinez, hindi hiwalay

MARIING ITINANGGI NI Yayo Aguila na hiwalay na sila ni William Martinez. Ang usap-usapan kasi ay magdadalawang buwan na umanong hiwalay sina Yayo at William na ang dahilan ay third party sa side ni Wiliiam.

“No, hindi totoo iyan dahil sa bahay pa rin naman siya umuuwi at wala naman kaming pinag-aawayan. Actually, kung tutuusin ay ayoko na sanang pag-usapan iyan dahil ano naman ang mapapala ko kung mag-react ako sa isyung iyan gayung alam kong hindi naman iyan totoo,” say ni Yayo.

Ayon pa rin kay Yayo, hindi niya alam kung saan nanggagaling ang balitang hiwalay na sila ni William. At ang isa pa rin sa nilinaw ni Yayo ay ang isyung buntis siya.

“My God, paano akong magbubuntis, eh, menopause na ako, Ang aga ko ngang nag-menopause. I’m only 41 at hindi na ako dinadatnang ng buwanang dalaw kaya paano ako mape-preggy?”

Sa kabilang banda ay hindi pa rin tapos ang hearing ng kasong isinampa nila ni William laban kay Baron Geisler na may kinalaman sa anak nilang si Patricia na kung matatandaan ay binastos umano ni Baron ang dalaga minsang magkita ito somewhere in Makati.

“Ako naman, madali akong magpatawad pero hindi ako ang may kaso. Ang ipinaglalaban lang namin dito ay ang karapatan at dangal ng aming anak.”

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING