Mariel Rodriguez, nagselos sa maiinit na eksena nina Robin Padilla at Kris Aquino?!

ADVERTISING

Mariel Rodriguez, nagselos sa maiinit na eksena nina Robin Padilla at Kris Aquino?!Mariel Rodriguez, nagselos sa maiinit na eksena nina Robin Padilla at Kris Aquino?!PA-JOKE LANG kaya ang sinabi ni Mariel Rodriguez last Wednesday sa Wowowillie? O pagpaparinig sa asawang si Robin Padilla?

Sa opening spiels kasi nila kasama ang lahat ng co-hosts, nagsabi si Ate Gay na guest ng show ang Superstar na si Nora Aunor sa Saturday Edition ng Wowowillie. Tapos nang sinabi ni Ate Gay kay Mariel na kailan kaya makadalaw si Robin Padilla sa kanilang show, ang sagot ni Mariel ay, “Busy ‘yun. Busy ‘yun.”

Tapos parang nagtawanan silang lahat. Sunod na sinabi ni Mariel na may halong tawa, “Maraming niyayakap na babae ‘yun.”

At nang tingnan namin ang Twitter at Instagram ni Mariel, may mga one-liner itong, ‘No, I’m not Okay.’

Matapos ang tila ‘selos’ posts ni Mariel Rodriguez sa kanyang Twitter at Instagram umaga ng February 6, medyo ‘okay’ na ang mga posts niya sa kanyang social media account pagdating ng hapon.

ADVERTISING

Matatandaang napanood sa Kailangan Ko’y Ikaw ang kasalan at honeymoon scene nina Robin Padilla at co-star nito at ex-girlfriend na si Kris Aquino noong Martes. Marahil, ito ang dahilan ng sinasabing ‘selos’ na naramdaman nito.

Sa bagong twit ni Mariel, ganito ang nakasaad, “thank you very very much ate kris!!!! :).” Hindi lang malinaw kung ano ang ipinagpasalamat ni Mariel kay Kris dahil wala ito sa conversations nila sa Twitter.

Sagot naman ni Kris, “I’m so happy we talked. Be happy forever okay? RT @marieltpadilla: thank you very very much ate kris!!!! :)”

“@krisaquino214 yes ate kris!! love you!!! thank u again. im on my way home,” ang kasunod namang tweet ni Mariel.

After ng ilang minuto, nag-post naman si Mariel sa kanyang Instagram ng picture ng bouquet of flowers na may caption, “thank you babe robinhoodpadilla.”

Kasunod naman niyang post sa Instagram ay dalawang litrato kung saan makikita rito ang pagyakap sa kanya ng asawa at isang litrato namang sinusubuan siya ng pagkain ni Robin. Ang caption na nakalagay sa picture ay, “i miss you so much robinhoodpadilla sorry for being such a brat!”

Isa pang post ni Mariel sa twitter ay nakasaad ang mga salitang, “Wipe your eyes by Maroon 5.

 

KUMAKALAT NGAYON ang bansag kay Derek Ramsay na ‘pambansang playboy’ dahil sa pagkaka-link nito sa kung sinu-sinong babae. Pero tawa-much lang ang tugon ng Kidlat star dito nang makapanayam namin last Tuesday sa isang event. Pero, tungkol naman kay Cristine Reyes, inamin niyang nilibre niya ito ng lunch dahil birthday nito.

Aniya, “Yesterday (February 4) afternoon, I had a break sa taping and we went out and we had lunch. So that was my gift to her, so lumabas kami.”

 

BLIND ITEM: Kinsa Sila? Mahabang tawag tapos sinundan pa ng napakahabang text messages ang naging reklamo ng dalawang talent managers sa isang baguhang ‘starlet’ dahil daw super nilalandi nito ang kanilang dalawang alagang menchu. Tini-text, tinatawagan at tini-tweet pa raw nito ang kanyang pagkagusto sa dalawang artistang lalaking ito.

Si Girl ay produkto ng isang malaking talent search sa isang istasyon sa bandang Novaliches… ayan ha? May clue na. At, take note, 17 years old pa lang siya pero parang gusto na niyang iaalay ang sarili sa dalawang lalaki. Ang unang lalaki, ay dalawang beses nang nabigyan ng best actor award. Ang eksena, nakasama ni girl sa isang production number ang unang lalaki, after nito, todo post ito sa Twitter ng kung anu-anong paramdam sa menchu. To think hindi pa hiwalay ang unang lalaki sa karelasyon nitong Sexbomb dancer, clue ulit. Nag-birthday si Lalaki, nagmamadaling umalis sa taping si Girl para sumama sa inumang panlalaki hanggang umaga. The next day ang tweet nito ay, “I’m a dead kid, lasing, masakit ang ulo-antok.’ At nag-Instagram pa ito ng mga litrato ng alak, at nagparamdam pa rin sa actor kaya siya binansagang stalker ni Bona actor, bigay na ‘yan ha.

Ang pangalawang lalaki naman, nakasama niya sa naturang artista search. Bale, parang ka-love team niya ito, kaso ayaw raw makisama ni Girl at palaging may sariling lakad. Minsan daw nagbibihis si Pangalawang lalaki, sinabihan daw ito ng girl na kaya pink daw ang nipples nito ay may sumisipsip lagi. Ano raw? Nakakaloka ang girl na ito, ha? Ang apelyido ng boy ay English ng salitang ‘bagong lalaki’. Si girl, nasa mga buwan sa kalendaryo ang pangalan.

Sana magtino na ang girl na ito dahil kakasimula pa lamang niya sa showbiz. Huwag sanang dumating sa punto na ‘yung dalawang managers pa ang maka-engkuwentro nito baka tuluyan na siyang malaos-malaos ba hindi pa nga kilala? Ay basta, tigilan mo na ‘yan girl.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING