Mariel Rodriguez, kinumpirmang may asawa na ang panganay ni Robin Padilla

ADVERTISING

Mariel Rodriguez, kinumpirmang may asawa na ang panganay ni Robin Padilla

Queenie-Padilla-Mariel-RodriguezPINASYALAN NAMIN sa taping ng Happy Wife, Happy Life sina Mariel Rodriquez, Danica Sotto, at LJ Moreno last Friday sa Gazebo Royalle, Q.C.

ADVERTISING

Kinumpirma ni Mariel na nauna nang nagpunta ng Spain si Robin Padilla kasama ang dalawang anak na sina Queenie at Sherilyn. Susunod na siya on Sunday dahil kailangan niyang makapag-taping ng kahit 2 episodes ng Happy Truck ng Bayan at makapag-taping din ng Happy Wife, Happy Life sa TV5.

Lagi naman daw ganoon kapag nakatakdang umalis sina Mariel at Robin. Pinauuna na ni Mariel ang husband kasama ang mga anak nito para makapag-bonding mabuti ang mga ito.

“Mas maganda nga ‘yung nauna si Robin at kasama ang mga anak para makapag-bonding at makapag-enjoy silang magkakasama. Susunod naman ako sa Sunday pagkatapos ng taping ko ng Happy Wife, Happy Life,” say ni Mariel na lalong gumanda at sumeksi.

ADVERTISING

Dahil napag-usapan na ang panganay na anak ni Robin na si Quennie, naitanong kay Mariel kung totoong may asawa na ang panganay ni Robin?

“Yes, matagal na. Pero hanggang doon lang ang masasabi ko. Sila (Robin at Liezel ) ang tanungin ninyo riyan. Isang Muslim at Pakistani ang napangasawa niya. Hindi naman mag-aasawa ang isang tao kung walang basbas ng kanyang magulang, ‘di ba? Hindi kasi ako ‘yung nagbibigay ng comment pagdating sa mga anak ni Robin. Basta okey kami ng mga anak niya. Hindi ako ‘yung nagbibigay ng comment at nagdidikta sa mga bata. May mga magulang sila at ako ay parang barkada at kaibigan lang nila. Ayokong maging epal sa mga bata,” say pa ni Mariel.

When asked kay Mariel na gagawa ng movie si Robin katambal ang Japanese porn star na si Maria Osawa, nalaman daw niya ito sa social media, dahil hindi nila napag-usapan or nasabi sa kanya na may gagawin ngang movie si Robin katambal si Maria. Hindi ba siya natakot na makasama ng husband na si Robin ang number one sexy porn star?

“Hindi naman ako natakot. Hindi naman ganoon ang isip ko. Huwag nating bigyan ng malisya ang pagsasama nila sa pelikula, Saka hindi naman porno movie ang gagawin nila, ‘di ba?” Nakangiting say ni Mariel.

Basta secure daw siya kahit na anong gawin ni Robin at hindi siya magagawang lokohin ng sikat na action star.

“Bago kami magsama ay sinabi ko sa kanya, lahat ay tatanggapin ko sa kanya, bilang isang Muslim at may mga anak at may foundation. Basta ako lang at wala nang iba. Kapag nabalitaan kong may iba, ‘yun na ang wakas. Talagang goodbye na,” pagtatapos ni Mariel.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING