Mariel Rodriguez, iniluwal na ang baby girl nila ni Robin Padilla matapos ang 21-oras na pagale-labor

ADVERTISING

Mariel Rodriguez, iniluwal na ang baby girl nila ni Robin Padilla matapos ang 21-oras na pagale-labor

Robin Padilla and Mariel Rodriguez with Baby Isabella
Robin Padilla and Mariel Rodriguez with Baby Isabella

Sa wakas, ang paghihirap ni Mariel Rodriguez ay nai-ire na rin niya sa wakas.

Yes, mga bagong magulang na sina Mariel at ang mister niyang si Robin Padilla.

After 21 hours na pagle-labor, nailuwal na ang kauna-unahang baby nina Binoe at Mariel noong Lunes, November 14, sa ganap na ika-7:56 ng umaga (oras sa East Coast), na isang batang  babae na pinangalanan ng mag-asawa ng Isabella na may bigat na 7.3 lbs. at 20 inches ang sukat.

Sa kanyang Instagram account, excited si Binoe na i-share ang magandang balita at sa katunayan ay inap-load pa niya ang isang portion ng video ng pagluluwal ni Mariel ng kanilang baby Isabella.

ADVERTISING

Sa kanyang IG posting, ipinarating ni Binoe ang mensahe ng kanyang pasasalamat, “Maraming salamat po Mahal na Panginoong may likha sa biyaya ng buhay at kaligayahan.

“Nagpapasalamat po ako sa mga taong inyong inalay sa amin upang maalagaan

ang aking asawa sa kanyang maselan na pagbubuntis hanggang sa panganganak.

“Ako ay nagpupugay sa iyo tita Maricon Termulo at Eric Tamesis na nagsilbing

hotel ang kanilang bahay, naging driver-bodyguard ang buong pamilya, at higit sa lahat ay ang haplos ng isang ina at sa iyo Sir Abellardo Termulo, sa pagpapakita ng iyong pagmamahal at suporta sa iyong anak, wala po kayong katulad isa po kayong alamat sa pagiging ama at bilang lolo ni Maria Isabella ay sinamahan mo siya sa pagtawid mula sa sinapupunan hanggang sa pagsilang, isa pong karangalan na kayo ang pumutol ng umbilical cord.”

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING