Mariel Rodriguez, inaming may negosyason siya sa paglipat sa TV5

ADVERTISING

Mariel Rodriguez, inaming may negosyason siya sa paglipat sa TV5

Mariel Rodriguez, inaming may negosyason siya sa paglipat sa TV5KINUMPIRMA MISMO SA amin ni Mariel Rodriguez na may negosasyon ngang nagaganap sa pagitan nila ng TV5 kung saan may offer sa kanya si Willie Revillame. Inamin sa amin ng TV host na wala siyang kontrata sa ngayon sa Kapamil-ya Network at dahil may-asawa nang tao, iniisip ni Mariel ang future niya at ng magiging anak niya sa hinaharap.

ADVERTISING

Ayon kay Mariel, may counter-offer naman ang ABS-CBN sa kanya, nag-usap na sila ng management, paulit-ulit ang binitawang salita sa amin ng TV host na mahal na mahal niya ang Kapamilya Network at malaki ang utang na loob niya sa nasabing istasyon.

Seguridad ang binigay na rason sa amin ng TV host, kung saan ang gusto lang naman niya ay mag-host. Ipinagtapat sa amin ni Mariel na pinamimigay pala ni Robin ang kinikita niya sa mga nangangailangan tulad ng mga tao sa Basilan, Bilibid at sa iba pang mga nangangailangan. Naiintindihan naman ni Mariel ang kabutihang ginagawa ng asawa, kung saan nagsisilbi nga itong inspirasyon para maisip niyang tumulong din sa iba.

Sa tanong namin kung may plano din bang lumipat si Robin sa Kapatid Network, pinaliwanag sa amin ni Mariel na hindi siya maaaring magsalita para sa asawa dahil ang negosasyong nagaganap ay sa pagitan lang nila ng TV5. Sa ngayon ay wala pa namang final na sagot na binibigay si Mariel kaya’t maaari namang mabago ang lahat at kung mananatili ba siya sa ABS or isa siya sa mga artistang maglilipat-bakod from ABS to other network. Hintayin natin ang mga susunod na mga kaganapan.

ADVERTISING

Hiningan din namin siya ng reaksyon sa balitang sinugod daw ni Robin si Zanjoe Marudo sa Manila Pen para kumprontahin ito, kung saan ang lumabas na kuwento ay na-offend daw ang action star kay Zanjoe dahil sa skit na ginawa nito along with Vhong Navarro nang ma-touch ang nakaraan nila Mariel at Zanjoe at i-spoof ni Vhong si Binoe.

Klinaro sa amin ni Mariel na walang sugurang naganap gaya ng inisip ng ibang tao. Aminadong nagpunta silang mag-asawa sa Manila Pen. Nagkape sila du’n kung saan nagkita pa sila nina Kim Chiu, Ejay Falcon, Diether Ocampo at iba pa. Ang gusto lang ni Robin nu’ng oras na ‘yun, kung may gustong sabihin sa kanya si Zanjoe, maging malaya itong kausapin ang asawa.

Para kay Mariel, ‘di maganda ang dating na sumugod sila gaya ng iniisip ng iba. Ang kahulugan kasi ng sugod ay parang handa kang makipag-away o makipag-suntukan na wala sa plano ni Robin.

Binigyang-linaw rin ng TV host na wala itong kinalaman sa skit kung saan na-offend daw rito ang asawa. Dinepensa ni Mariel ang asawa na hindi mababaw na tao si Binoe. Sa tagal na nito sa industriya na sa dami na ring nag-spoof sa aktor, hindi ito mapipikon sa ganu’ng bagay lang. Inulit sa amin ni Mariel na hindi talaga ito dahil sa skit. Kung dahil dito, ‘di sana pati si Vhong ay kakausapin din ni Robin.

Ang magandang balita lang, nakapag-usap na sina Robin at Zanjoe nu’ng nakaraang Martes. Mallit nga naman ang mundo ng showbiz, magka-Kapamilya silang lahat at makikita’t makikita nila ang isa’t isa.

PAKATUTUKAN ANG LALO pang umiinit na mga eksena sa Reputas-yon dahil mas maraming rebelasyon ang mapapanood ngayong darating na Linggo. Finally ay napapanood na rin sa ilang linggong pagkawala dahil sa pagkaka-confine sa ospital si Cristine Reyes. Nabasa namin sa tweet ni AA na magiging happy raw ang manonood ng Reputasyon dahil sa mga susunod na mangyayari rito.

Habang tumatagal, lalong tumatatag ang relasyong Rayver Cruz at Cristine. Kamakailan nga ay kumain sa labas ang aktres kasama ang buong pamilya Cruz, kung saan lumalabas lang na botong-boto talaga ang mga ito kay Cristine.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING