Mariel Rodriguez, hindi lang storyteller, backbiter pa!

ADVERTISING

Mariel Rodriguez, hindi lang storyteller, backbiter pa!

Mariel Rodriguez, hindi lang storyteller, backbiter pa!OLA CHIKKA! SADYANG mapaglaro nga naman ang tadhana dahil walang sino man ang makapagsasabi kung ano ang puwedeng mangyari sa hinaharap. Dati-rati, halos magpakamatay sila makuha lang ang kasikatang inaasam, ngunit ngayon, halos parang basura na lamang na itatapon at nawawalan ng halaga dahil sa ibang bagay na hindi natin inaasahang mangyayari sa atin.

Ihalimbawa na lamang natin itong nangyari kay Willie Revillame na ilang taon din bago naibalik ang kanyang kasikatan sa pamamagitan ng Wowowee, ngunit ganu’n na lamang din kabilis nawala dahil sa iilang salita lamang na kanyang binitiwan na hindi inaasahan ng madlang pipol na ito ang magiging mitsa ng kanyang showbiz career at naghatak sa kanya paibaba. Halos lahat ng Pilipino ay abot-langit ang ligaya mahawakan at mapanood lamang siya, ngunit ngayon ay iilan na lamang ang natira para sumuporta sa kanya at karamihan ay naging negatibo ang tingin sa kanya.

ISAMA MO NA rin sa listahan itong si Mariel Rodriguez, na kung noon ay may mga batikos din siyang tinanggap kaugnay ng kanyang pagho-host, ngunit ngayon ay isa na siya sa most wanted na host na talagang nakaaaliw sa mga manonod hanggang sa maghiwalay sila ng kanyang boyfriend na si Zanjoe Marudo. Tunay nga, masasabi mong isa sa mga napakagaling na hosts si Mariel ngayon, at halos nabigyan na rin siya ng break sa pag-arte nang bumenta sa takilya ang kanilang horror movie na ipinalabas ngayon taon.

Sayang ang paghubog ng kanyang acting talent nang naudlot at makilala niya itong lover boy ng ‘Pinas na si Robin Padilla. Hindi namin sinisisi si Binoe sa nangyari dahil sino ba naman ang hindi mabibighani sa isang tulad niya, ‘di ba?

ADVERTISING

Tuluyan na ngang nag-iba ang ihip ng hangin at bilang nawala na sa linya ang career ng host-actress dahil maging ang kanyang manager na si Boy Abunda ay walang kaalam-alam sa mga nagyayari sa kanya, at maging ito ay nawiwindang sa desisyon ng kanyang alaga at lumalabas tuloy na binalewala niya ang kanyang manager nang mapabayaan ang kanyang career. Ngunit pasalamat na lamang siya at napakabuting tao ni Boy Abunda at naiintindihan ang kanyang situwasyon at

suportado siya kung saan niya mahahanap ang kanyang kaligayahan.

NGUNIT TALIWAS ITO sa intrigang kinasasangkutan nila ng kanyang dating co-host at super friend na si Toni Gonzaga. Nagulat ang lahat nang magbigay ng pahayag si Toni tungkol sa hindi pagkakaintindihan nilang magkaibigan, ngunit mas pinili pa ng host ng The Buzz na huwag ng bigyan pa ng anumang detalye ang sama ng loob niya para kay Mariel.

Ang pagiging traydor daw umano ni Mariel ang kumakalat na chikka na dahilan ng sama ng loob ni Toni, kung saan bawat kuwento at sama ng loob niya sa isang tao na inilalabas niya kay Mariel ay ikinakalat din ng huli at sa mismong tao pa na tinutukoy ng una.

Kung inyong matatandaan ay isa rin si Mariel sa diumano mga pinagkuwentuhan ni Angelica Panganiban tungkol sa affair daw umano nitong si Claudine Barretto. Maging ang pangalan ni Luis Manzano ay dawit din nang may chikkang lumabas na sinabi raw ni Mariel kay Binoe na gusto siyang halikan ni Luis noong temporary host pa ito sa Wowowee. At noon pa man ay kumakalat na ang backbiting issue at pag-gawa ng kuwento ni Mariel noong dating housemate pa siya sa bahay ni Kuya.

Mukhang hindi magandang ekesena ‘yan sa pagmamahalan nina Robin at Mariel, maaaring maging Knight in shining armor si Binoe or maging ang drama nila ay love conquers all… Teka always look on the brighter side ‘ika nga… malay mo gimik lang ‘yan ni Mariel para maging major major bagay sila ng kanyang lovelife… BAD BOY + BAD GIRL = BAD ROMANCE! Ra-ra-ra-ra-ra! Ha-ha-ha! Peace!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya?! Mahulaan n’yo kaya itong boy next door na masasabi mong matinee idol na rin dahil sa dami ng babaeng nagtitilian kapag nakikita ang cutie look niya at may pagka-yummy din niyang body? At dahil d’yan sa napaka—mmmm… niyang katawan ay may nasagap ang aking parazzi girl na hindi lang pala sa ‘Pinas mabenta ang male actor na ito dahil maging sa China ay bidang-bida siya dahil sa halagang 10K… tamah! Tumataginting na P10, 000 lang ay makakasama mo na siya sa langit. Tsk, tsk, tsk… bad ‘yan!

Sino siya? Alamin at subaybayan na lamang ang aming programa sa DWSS 1494 kHz, weekdays, 11:30-12 nn, at makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING