Guesswhodoes: Mariel Rodriguez does the ‘Dancing Betchay’

ADVERTISING

Guesswhodoes: Mariel Rodriguez does the ‘Dancing Betchay’

Marami ang naaaliw sa kakikayan at kakulitan ni Mariel Rodriguez sa Wowowee. Matagal-tagal na ring host ng programa ang aktres na mapapanood din sa Entertainment Live at soon sa Pinoy Big Brother Season 3. Kinakikiligan naman ang tambalan nila ni Rafael Rosell sa Precious Hearts Romances, kung saan pinatunayan niya na mabenta talaga siya pagdating sa romance-comedy.

ADVERTISING

Alam natin lahat na very much in love in real life ang dalaga kay Zanjoe Marudo, na gumagawa rin ng sarili niyang pangalan sa showbiz. Kahit hindi man sila on-screen partners, s’wak na s’wak naman sila sa kanilang off-screen romance na mukhang going strong naman.

Naispatan ng ating kamerang-gala ang nakaka-wow na pagsasayaw ni Mariel nang ito’y magdiwang ng kanyang kaarawan. Naku, magpakitang-gilas na para maaliw lalo ang Beb mo! Sayaw, Mariel… sayaw!

Click to enlarge.

ADVERTISING

ADVERTISING