Mariel Rodriguez, ‘di raw threaten sa pagsasama nina Robin Padilla at Maria Ozawa sa movie

ADVERTISING

Mariel Rodriguez, ‘di raw threaten sa pagsasama nina Robin Padilla at Maria Ozawa sa movie

Mariel-Rodriguez-Robin-Padilla“NO! HINDI naman sila gagawa ng porn movie!” Ito ang naging pahayag ng Happy Wife, Happy Life season 2 host na si Mariel Rodriguez kaugnay sa kung nati-threaten ba siya sa paggawa ng pelikula ng kanyang husband na si Robin Padilla at ng Japanese porn star na si Maria Ozawa.
Dagdag pa ni Mariel, “Hindi naman kasi maganda na ganu’n ka mag isip, eh. Dapat, ‘di tayo ganu’n mag-isip.”
Hindi pa nga raw nila napag-uusapan ni Robin ang pelikulang gagawin nito with Maria. Pero kilala naman daw niya ang kanyang asawa, kaya hindi niya kailangang ma-insecure kay Maria. Secured daw siya sa pagmamahal sa kanya ni Robin.
Tsika pa ni Mariel, “Thankful ako sa show na ito (Happy Wife, Happy Life), dahil dumating ito sa akin during the time na medyo down ako. Dahil sa show na ito, mabilis akong naka-recover. So, I awe this show a lot. Ito kasi talaga ang gusto kong gawin. Kaya nga I’m happy to be part of Happy Wife, Happy Life.”
Marami nga raw natututuhan si Mariel sa kanilang show nina Danica Sotto at LJ Moreno sa mga taong nai-interview nila at sa mga topic na kanilang dini-discuss araw-araw mula Lunes hangang Biyernes, 10:15 am sa TV5.

ADVERTISING

Idolito-dela-CruzBestfriends Music Production, tahanan ng future singers and stars

“TO DISCOVER more talents, and ma-pursue din itong ginawa kong album.” Ito ang isa sa dahilan ng singer/ producer/ actor at isa sa owner ng bagong bukas na Bestfriends Music Production na si Idolito Dela Cruz with Dennis Dela Cruz at Benjamin Pe Benito.
Gusto raw makatulong nilang tatlo sa mga bagong talento na nangangarap na maging singer at artista, at magkapangalan sa showbiz.
At ilan nga sa proyektong ihinahanda ng kanilang produksiyon ay ang pagkakaroon ng album, concerts, at indie films ng kanilang contract artists.
Sa ngayon daw, mula 25 hangang 50 ang magiging contract artists ng Bestfriends Music Production na kanilang iwo-workshops.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING