Mariel Rodriguez at Robin Padilla, naabot ang rurok ng kaligayahan sa Europe!

ADVERTISING

Mariel Rodriguez at Robin Padilla, naabot ang rurok ng kaligayahan sa Europe!

Mariel Rodriguez at Robin Padilla, naabot ang rurok ng kaligayahan sa Europe!

ADVERTISING

BANDANG ALAS-OTSO NANG umaga pala nu’ng Miyerkules, August 3, bumalik ng bansa mula sa kanilang seven-day honeymoon sa Europe ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Ito rin ang kanilang first wedding anniversary celebration which is on August 19, at birthday celebration na rin ni Mariel which is on August 10 naman.

Mariel is turning 27 years old. Doon na nga nila ginawa ni Robin ang celebration dahil ayaw raw niyang magkaroon ng kahit anong celebration dito, o kahit sa noontime show niya.

Unang destination nila ang Paris, France kung saan pumunta muna si Robin sa isang show roon for the Filipino community.

ADVERTISING

Agad tumungong Vatican City sa Rome ang dalawa kung saan sinubok nilang humingi ng permiso na makasal sila sa simbahan since Roman Catholic pa rin ang religion ng TV host-actress. Dalawang araw raw nilang inasikaso ‘yon, ngunit, hindi pinalad sina Ma at Binoe (mga palayaw nila).

Nang makausap namin si Mariel last Wednesday night, inamin nito na hindi na s’ya gano’ng umaasa sa church wedding nila ni Robin.

Hindi lang daw alam ni Mariel sa kanyang asawa kung itutuloy pa rin nito ang pag-aasikaso para makasal sila sa Simbahang Katolika.

Mula Roma, lumipad naman ng Amsterdam ang mag-asawa, kung saan sinabi ni Mariel na ang perfect daw ng weather pagdating nila.

Nag-enjoy raw sina Mariel at Robin sa Amsterdam, kung saan may isang lugar silang pinuntahan na nagbangka sila at kitang-kita raw ang mga naggagandahang mga bahay.

Matapos ng kanilang pamamasayal sa Amsterdam, bumalik sila sa Paris, France para pumunta ng Louvre Museum na hindi pa napupuntahan ni Mariel.

Si Robin daw ang nagmistulang tourist guide n’ya sa lahat ng pinuntahan nila sa Rome, Amsterdam at Paris, dahil nakarating na raw ito roon. Nagkaroon din daw sila ng isang romantic breakfast sa Eiffel Tower.

Binilhan daw ni Robin ang kanyang misis ng isang pares ng Louie Vuitton shoes and bag. Ayaw raw ng aktor pa-gamitin ng credit card si Mariel o pagastusin. Ayaw rin daw nito na ipag-shopping s’ya ng asawa n’ya. Pero hindi raw matiis ni Mariel na hindi bilhan si Robin ng mga gamit, kaya medyo pinagalitan pa raw s’ya nito.

Tinanong namin si Mariel kung nakapag-adjust na ba s’ya kapag natutulog sila na naka hubo’t hubad si Robin. Sa katunayan daw, nu’ng nasa Rome sila, pagdating nila ng kanilang hotel room, walang saplot daw na naglalakad si Robin.

Dapat nga raw ay magsi-shower at magpapa-massage si Mariel, pero sa kapaguran daw ay nakatulog din daw s’ya sa kama katabi si Robin nang nakahubad.

Talagang nag-enjoy raw nang sobra-sobra sina Mariel at Robin sa kanilang second honeymoon, ayon sa una, kahit pa nilinaw nitong ayaw pa raw niyang magka-baby. Gayunman, kumbaga sa noontime show na kinabibilangan ng TV host-actress, inabot daw talaga nila ang ‘Yehey’ o rurok ng kaligayahan, nakakatawang kuwento nito.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Twitter: @francissi-meon.   
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING