Mariel Rodriguez at Robin Padilla, hiwalay na nga?!

ADVERTISING

Mariel Rodriguez at Robin Padilla, hiwalay na nga?!

Mariel Rodriguez at Robin Padilla, hiwalay na nga?!MARAMI ANG nagtatanong sa amin kung hiwalay na nga ba sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez since malapit kami sa kanila.
Actually, sa totoo lang, bilang kaibigan, parang hirap kaming magtanong sa dalawa, dahil parang in denial pa rin kami na hiwalay na nga sila.
Kasi nga, tinanggal nang lahat ni Mariel sa kanyang mga photos sa Instagram account ang mga pictures na meron si Robin, eh.
Eh, sa mga followers sa Instagram, isa lamang ang ibig sabihin no’n: hiwalay na nga ba?
Mariel Rodriguez at Robin Padilla, hiwalay na nga?! Hay, nako… basta para sa amin, sana, may problema lang sila, kaya nag-cool off muna sila. At sila’y gusto lamang magkaroon ng “space” at isa sa mga araw na ito ay mapaplantsa rin ang kung anumang problema meron sila.
‘Yun na lang sa ngayon ang aming iniisip.
At ‘eto, aaminin namin sa inyo: ang hirap pala ‘pag pareho mong mahal ang mga sangkot. At kahit wala ka namang kinalaman sa problema nila ay nalulungkot ka rin.
Sana nga, maayos na ito’t maging sila uli.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING