Mariel Rodriguez, always inventing stories?!

ADVERTISING

 

Mariel Rodriguez, always inventing stories?!

ADVERTISING

Mariel Rodriguez, always inventing stories?!OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes! Now na! Thanks God it’s Friday to the maximum authority of chikka!

Nakakaloka! Bakit kaya naghiwalay sina John Prats at Rachelle Ann Go? May mga bali-balita kasing talagang naghiwalay na ang dalawa. Sino ba talaga ang may sala sa kanilang dalawa kung bakit sila naghiwalay?

Heto ang chikka ng mga kaparazzi natin. Nakakaloka dahil sa sobrang tsismosa pala nitong si Mariel Rodriguez. Kung maaalala n’yo kung sino ang dahilan ng away nila ni Toni Gonzaga, si Mariel mismo dahil sa pagiging taklesa nito nang sabihan niyang duling si Toni. Hahaha!

ADVERTISING

Ito nga kasing si Mariel, may bisyo itong sinisiraan daw niya ang dalawang mag-dyowa, kung sino ang kaharap niya. Ano ba naman ‘yan, ‘te? Bakit kaya ganyan?

At heto pa. Si Bea Alonzo naman daw ang susunod niyang iintrigahin at sisiraan para hindi mag-click ang teleserye nito kasama si Robin Padilla. Dahil sabi nga ni Binoe, matagal na niyang inaasam-asam si Bea na makasama sa isang teleserye. Hindi katulad ni Mariel na isang araw pa lang dati noon sa noontime show, na-getching na siya agad.

Kaya naman kung ako kay Mariel, titigil muna ako sa pagiging taklesa ko, dahil baka mapag-iwanan ako ni Papa Robin. Hahaha! Tama!!!

 

AT HETO PA, may isa pa akong scoop na talaga namang nakawiwindang. Kaya pala tinanggal na itong si Marian Rivera sa pag-e-endorse ng mga condominium, at pinalitan na ito ni Anne Curtis, ay dahil daw sa nakakalokang pinagsasabi nito.

Heto ang chikka. May nagtanong daw kay Marian kung meron na ba siyang tig-iisang unit sa ine-endorse niya. Ang sagot niya, ‘te? Bakit naman daw siya kukuha, eh, bulok naman daw ‘yung mga unit.

Ano ba naman ‘yan?! Kaya pala kahit anong ganda mo, talagang tatanggalin ka. Kung ako sa ‘yo, eh proud ka dapat niyan.

Ayan ang mga napapala n’yong mga taklesa kayo. Hindi n’yo iniisip ‘yung mga sinasabi n’yo, ‘di ba? Ang payo ko lang sa inyo ay less talk, less mistake… hahaha!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya itong ubod ng seksing aktres na may attitude problem? Dahil nga kasi sa mga eksena niyang may nag-chikka sa amin na napakagimikera nga nitong sexy actress na ito. Kahit saang bar daw sa Makati, makikita n’yo ito.

Heto ang chikka sa amin. May nagpa-picture nga rito sa sexy actress na ito, dinedma lang ng lola mo, at parang walang nakita. Hahaha!

Bakit kaya ganyan ang mga may attitude problem, dedma to death lang talaga sila. Nakakawarla, ‘te! Sino kaya ‘yan?

Clue: Super boobitang mag-host ‘yan ‘te, pero pagda-ting sa face, winner talaga. Hmmm… sayang ang beauty niya. Hahaha!

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING