Maricel Soriano, tinanggal na sa serye ni Gerald Anderson

ADVERTISING

Maricel Soriano, tinanggal na sa serye ni Gerald AndersonMaricel Soriano, tinanggal na sa serye ni Gerald AndersonNOONG BIYERNES nakara-ting sa amin ang balitang may nangyari umanong ‘di magandang insidente sa taping ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Ang balitang nakarating sa amin ay parang nasigawan daw ng Diamond Star na si Maricel Soriano si Gerald Anderson sa isang eksena nila, dahil daw hindi ‘ata nagustuhan ng una ang pag-arte ng huli na umabot pa raw sa pagsasabing ‘ikaw ang cause of delay sa taping’.

May tinawagan kaming insider at sinabi nitong hindi na raw talaga babalik sa set si Gerald dahil sa nangyaring ‘professional differences’. Dito na umiikot ang balitang baka ma-shelve ang project.Pero as of Monday, lumabas ang balitang balik-taping si Gerald pero walang balita tungkol kay Maricel. Pero bandang gabi noong Lunes, kinumpirma na ng Channel 2 na out na sa project si Marya at nanatiling kasali pa rin dito si Gerald.

Ayon pa sa statement ng network, “Due to the unfortunate incident between Gerald Anderson and Maricel Soriano on the first taping day of Bukas Na Lang Kita Mamahalin, ABS-CBN management and the management of Maricel Soriano have agreed that Maricel will no longer be part of the cast. The teleserye starring Gerald Anderson will proceed as scheduled.”

Ano ba ang talagang nangyari? Tila parang may ‘news blackout’ sa isyu dahil hindi ito napanood sa news program ng Dos, wala silang ibinalita tungkol sa insidente.

Ayon sa aming source, may mga production crew daw na nagkuwento na may nangyaring hindi maganda nga raw sa taping ng show.

ADVERTISING

Aniya, “Oo nga raw. Kasi, sa isang eksena raw, ang tagal makuha ni Gerald ang tamang acting. Nakailang takes na eh, ‘di raw talaga tama ang arte ni Gerald kaya medyo nainis na si Maria.”

“Bigla na lang daw sumigaw si Maricel, na parang sinabi nitong ikaw ang cause of delay ng taping.”

“Hindi ko alam if hindi ba maganda ang pagkaarte ni Gerald sa eksena o hindi nagustuhan ni Maricel ang acting nito.”

Sabi pa raw ni Maricel, “Ano ‘to direk? Hindi naman niya nakuha ang tamang pag-arte. Ayan mag-sorry ka sa lahat ng crew dahil ikaw ang cause of delay dito.”

Dito na raw nag-walkout si Maricel pero sinundan naman daw ito ni Gerald. Dagdag pa ng aming source, baka raw mag-sorry si Gerald kaso ‘sinigawan’ pa rin daw ito ng aktres.

Dagdag pa ng source, napaiyak daw si Gerald sa isang tabi matapos ang hindi magandang encounter nila ng Diamond Star.

Ayon naman sa second source namin, ayaw na raw bumalik ni Gerald sa set. Parang ang dating, sobrang napahiya ito sa nangyari.

Ayon naman sa third source, may mga ganu’n nga raw pangyayari at parang ito ang laman ng meeting nila.

As of presstime, wala pang statement ang kampo ni Maricel.

Nakapanghihinayang naman, ang ganda siguro ng role ng Diamond Star dito.

 

KALOKA, SA isang event ay hindi na-ming nakilala si Joshua Dionisio. Kasi parang ang fresh ng mukha niya kaya nagtanong kami sa isang tagapamuno ng event kung sino ‘yung artistang nasa tabi lang, sabi nito, “Si Joshua Dionisio ‘yan.”

Kaya minabuti naming lapitan ito at kamustahin. Sa ngayon daw busy siya sa kanyang pag-aaral at ito raw ang priority niya sa ngayon dahil “’Yung mga kaklase ko po talaga ay third year college na.”

Sa isang international school sa Fairview raw siya nag-aaral sa ngayon. Aniya, “Parang homestudy program lang siya, pero puwedeng… pero puwede kang pumasok pa rin.”

So, sa ngayon ba, dahil nag-eenjoy siya sa kanyang pag-aaral ay hindi niya nami-miss ang showbiz? Diretsang sagot nito, “Ngayon po, hindi naman po masyado, masaya naman po ako sa school life ko, high school life.”

Bakit kaya pinili niya ‘yung ganu’n eh andu’n na sa peak ang kasikatan nila dati ni Barbie? “Eh, parang hindi ko na lang nagustuhan na, parang ganu’n. Nawalan na po ako ng gana.”

Nakasasawa ba? “Medyo, kasi dati masaya, tapos ‘di na ako masyadong masaya, parang hindi na ako ganu’n ka-enthusiastic tulad ng dati.”
Baka naman na-frustrate lang siya sa isang bagay sa showbiz kaya siya nakaramdam ng ‘walang gana?’ “Hindi naman po kasi dati talaga, ang… kaya naman po talaga ako nag-showbiz is that dahil talagang feeling ko masaya ako du’n, comfortable ako du’n, every taping. Pero ngayon po, parang napapagod na ako, kasi kapag gusto mo ‘yung bagay na ginagawa mo parang hindi ka napapagod, ‘di ba? Alam mo ‘yun, kaya parang ayaw ko na kasi nakakapagod.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING