Maricel Soriano, sinupalpal si Alessandra de Rossi

ADVERTISING

Maricel Soriano, sinupalpal si Alessandra de Rossi

Maricel-Soriano-Alessandra-de-RossiTINARAYAN DAW ni Maricel Soriano si Alessandra de Rossi sa taping ng kanilang teleserye. Nagkukulong daw sa dressing room niya si Maricel pero dinig na dinig pa rin daw niya ang malakas na boses ni Alex. Hindi raw nakapagpigil itong si Marya at sinita-sita si Alex. Para raw maamong pusa ang sister ni Assunta de Rossi. Hindi raw nito nakuhang sumagot at magtaray. Talagang sinupalpal siya ng Taray Queen.

Kasi naman itong si Alex, mukhang chismosa, panay ang chika, ayan tuloy ang napala mo. Masyado ka kasing madaldal, kung makaasta ka ay akala mo kung sino ka, eh, STARLET ka lang naman, ‘no!

Akala namin ay mataray itong si Alex, bakit hindi niya nilabanan si Marya? Bakit ka nagpigil, Alex, dahil ba sa hindi mo carry ang katarayan ng Taray Queen?

Mabuti nga’t sinupalpal ni Marya itong si Alex. Masyado kasing bilib ito sa kanyang sarili. Mas madalas nga sa mga interviews ay sinusupalpal nito ang nagtatanong sa kanya especially about her love life. Bastos magsasagot sa tanong itong si Alex kaya dapat lang siyang tarayan, ‘no!

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING