Maricel Soriano, sinisiraan dahil sa paglipat ng istasyon?!

Maricel Soriano, sinisiraan dahil sa paglipat ng istasyon?!Maricel Soriano, sinisiraan dahil sa paglipat ng istasyon?!OLA CHIKKA! NAWINDANG na naman ang beauty ko nang mabasa ko ang chismis dito sa isang beteranang aktes na talaga namang napakahusay. Sino pa? Eh, ‘di itong Diamond Star na si Maricel Soriano! Bhuket?

Ang chikka kasi, nahihirapan daw makakuha ng guest ang mga staff ng kanyang show dahil sa masamang ugali ng aktres. Kung dati, sobrang professional daw. Ngayon ay laging late at wala na sa lugar ang kanyang pagtataray. Ganu’n?! Eh, primadonna naman pala siya.

Pero teka, huh! Matagal-tagal ko ring kakilala itong si Maricel, at masasabi kong malayo ang mga paratang na iyon sa kanya. Mataray kung mataray dahil sa mga pelikulang ginawa niya ay wala ka talagang masasabi sa pagtataray niya, na bonggacious namang talaga! Baka maihi ka pa sa shorts mo sa takot, ha-ha! Exagerrated ba?!

Sa totoong-totoo lang, huh, tuwing umaga ay nagpapadala pa siya ng text messages like bible verses sa kanyang mga kaibigan. Bakit siya mag-aaksaya ng panahon para sa mga ganu’n kung puro kalokohan lang din naman ang gagawin niya?!

At sa pagiging unprofessional niya? Baka nalilimutan ng sambayanang Pilipino na bata pa lang ay magaling na talaga siyang umarte. Ibig sabihin, sa tagal niya sa showbiz, tiyak na alam na alam na niya ang mga pasikut-sikot dito.

Hindi kaya may kinalaman ang paglipat niya ng istasyon kaya naglalabasan ang mga negative chismis sa kanya? Naku, huh!
Bonggacious pala itong Diamond Star natin, bigatin talaga!

AT DAHIL USAPANG bongga na,  talagang bonggacious itong maybahay ni Mike Defensor na si Madam Julie Tactacan-Defensor! Bhuket?!

Dahil bukod sa kagandahan niya at napakatalino rin niya… at hindi lang iyan, huh, best supporting wife pa ang drama niya dahil kahit saan magpunta itong si Mike Defensor,  go rin siya as in hard support talaga! O, ano’ng say n’yo?!

Say ko? Walang dudang may K siyang maging first lady ng Quezon City. Hindi tulad ng iba na tinatago ang asawa nila, talagang dinamdam ang salitang “Maybahay”. Itago ba sa bahay ang drama o baka dahil naman chaka kaya minabuti na lang na wala sa eksena.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong pagkaganda-gandang aktres na mukhang unti-unti nang naliligaw ng landas? Bhuket?

Kung noon ay napakabuti ng kanyang imahe, ngayon ay nakikiuso na sa mga miyembro ng lasenggera club ng mga artista. Madalas raw itong naiispatan sa mga bar kasama raw ang manliligaw niya… teka lang!

Eh, ayon sa aking parazzi girl na kapit-bahay ng manliligaw niya, hindi lang daw alak ang kinaadikan nito kung hindi nakarating daw sa kanya umano na pati drugs, trip din nito. Kaya, naku! Mukhang kailangan mag-ingat nitong aktres na ito dahil baka sa mga susunod na araw ay hindi lang lasengga ang tawag sa kanya. Baka pati adik sa droga ay maibansag na. Tsk, tsk, tsk…

Gusto n’yo ng clue? Mukhang hindi n’yo na kailangan dahil alam na alam na ‘yan ng sambayanang Pilipino! Ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding