Maricel Soriano, not threatened by the complaints of two househelps?

ADVERTISING

 

Maricel Soriano, not threatened by the complaints of two househelps?

ADVERTISING

Maricel Soriano, not threatened by the complaints of two househelps?OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Don’t make your Monday a blue Monday! Dahil hanggang ngayon, hindi pa matapus-tapos ang isyu kay Maricel Soriano na talaga namang ayaw tigilan ng mga kaparazzi natin.

Pa’no ba naman titigilan, eh ayaw ring tapusin ni Maricel. Hindi nga kasi siya sumipot sa hearing sa barangay, at iniismol lang niya ang mga katulong, at ina-underestimate na kaya hindi niya sinisipot ay wala naman daw pera ang dalawang ‘yun at walang pang-sampa sa korte.

Kaya kahit ‘yung dalawang katulong ay kung kani-kanino nagpapa-interbyu, hindi pa rin pinapansin ni Maricel. Pero bakit naman ang mga ahensiya ng gobyerno natin, tulad ng Commission on Human Rights at DSWD, maging ang Gabriela, ay dinededma lang din ang pang-aabusong ginawa umano ni Maricel?

ADVERTISING

Dapat isa ‘yan sa tutukan ng pansin, dahil buong mundo ay nakatutok sa atin. Hindi ‘yung kung anu-ano ang pumapasok sa utak n’yo, at kung anu-ano ang pinapansin n’yo. Kaya tuloy dinededma lang ng aktres ang dalawa, dahil kahit mismo ang gobyerno natin ay walang ginagawang aksiyon!

 

AT HETO PA ang pasabog na chikka na ikasisira ng araw n’yo. Hahaha! Dahil talaga namang tuluy na tuloy na ang kasal ni Dra. Vicki Belo at ng kanyang dyowa na si Hayden Kho. Talaga naman daw na tinututulan ito ng anak ni Dra. Belo na si Direk Quark Henares.

Kasi nga raw, dinedma lang ng kanyang madir ang sex video ni Hayden kay Katrina Halili, at mukhang hindi naman daw seseryosohin ni Hayden si Vicki.

‘Di ba, nakakaloka?! Kaya siguro, it’s time na kailangang mamili ni Vicki, ang kanyang love affair o ang kanyang anak na talagang kapuso niya? Pak! Napakahirap na sitwasyon ‘yan, ‘te… pag-isipan mong mabuti.

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong aktres na ito na talaga namang niloloko lang ang kanyang asawa noon, at napabalitang kung kani-kanino nakikipag-date?

Ayan at mukhang hindi yata nakayanan ng kanyang asawa kaya nakipaghiwalay na ito. Pak! Sino kaya ang mag-asawang klarong-klarong hiwalay na? Nakakaloka, ‘di ba?!

Talaga namang ang Lunes n’yo ay mawiwindang kapag nahulaan n’yo ito. Another pak! na naman ‘yan!

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING