Maricel Soriano, magsasalita sa isyu nila ni Gerald Anderson

ADVERTISING

Maricel Soriano, magsasalita sa isyu nila ni Gerald AndersonMaricel Soriano, magsasalita sa isyu nila ni Gerald AndersonONE DIE-HARD fan of Maricel Soriano wrote an open letter to ABS-CBN para ipagtanggol  ang kanyang idol.

The letter-sender was asking kung bakit tila pinalalabas na EVIL si Maricel sa away nito kay Gerald Anderson. Bakit daw parang si  Gerald ang lumalabas na API. At bakit daw panay ang side ni Gerald ang lumalabas sa news.

The ardent fan is also asking kung bakit hindi pinahalagahan ng ABS-CBN ang ipinakitang LOYALTY ni Maricel sa kanila. Mahigit dalawang dekada kasing nag-work si Marya sa Dos.

Unang-una, talaga namang dehado si Gerald. It was he who was lambasted publicly. Siyempre, siya talaga ang lalabas na UNDERDOG.

The letter-sender should better ask Maricel’s camp kung bakit hindi sila nagsasalita about the issue. They can do any interview naman dahil ang daming press-friends ng manager ni Maricel na si Shirley Kuan. Bakit nga ba nanahimik sila sa issue?

ADVERTISING

But as we write this, nabasa namin sa Twitter na magsasalita na raw si Maricel and the interview will be done by one of her reporter-friends.

Also, LOYALTY has nothing to do with the issue. One more thing, Marya was NEVER loyal in the first place dahil minsan na niyang iniwan ang Dos, only to return later.

 

THERE’S A new guy who’s making waves on Youtube.

Hit na hit ang version ng guy na nakunang kumakanta sa 168 Mall sa Divisoria while singing a Regine Velasquez song, ang Pangarap Ko Ang Ibigin Ka. 

His Youtube video posted by a certain Paulo Laurio entitled  Regine Velasquez – Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (Random Guy) has, as of this writing, gained 26,903 views. The video was uploaded January 30.

In fairness to the guy, kaboses nga niya ang nag-iisang Songbird and many were amazed by his awesome performance. Ang taas-taas kasi ng boses niya.

Ang nabasa namin sa internet, interesado raw ang H.O.T. TV na i-feature ang guy na ito sa kanilang show. Siyempre nga naman, hindi ordinaryong talent ang ipinakita ng guy.

Sinex kaya ang lalaking ito na boses babae? Kunin kaya siya ng GMA para sa Party Pilipinas like what they did for Zendee Rose Tenerefe?

Will this guy also be discovered by Ellen DeGeneres at i-guest sa kanyang hit TV show?

Well, that remains to be seen.

 

MARAMI ANG naloka last weekend nang makita sa It’s Showtime ang guy contestant na kamukha ni Joey de Leon.

Isang look-alike ni Joey na si Robert Tobillo ang talaga namang of nagpasaya sa Kalokalike segment ng It’s Showtime. Kuhang-kuha nito ang mannerisms ni Joey.

Sabi ni Robert, nagsimula lang siyang manggaya kay Joey noong kasagsagan ng away nito sa isang TV host na bagama’t hindi pinangala-nan ay obvious namang si Willie Revillame.

Nag-lipsynch si Robert ng hit song ni Joey na Itaktak Mo at talaga namang kuhang-kuha niya ang nuances ng veteran comedian.

Ang maganda pa, binati ng hosts si Joey de Leon during the show, pagpapatunay na inirerespeto nila ang veteran comedian.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING