Maricel Soriano, laugh trip na lang ang eksena

ADVERTISING

Maricel Soriano, laugh trip na lang ang eksena

Maricel Soriano, laugh trip na lang ang eksenaHINDI MAN pinag-usapan ang samu’t saring mga isyu, intriga, tsismis at kung anu-ano tungkol kay Maricel Soriano ngayon na nagbabalik-showbiz siya, marami sa mga taga-showbiz, lalo na ang mga reporter ay natuwa.

Happy sila at muling masaya si Marya at masigasig na gustong patunayan sa mundo that’s she’s back at kaya pa rin niyang makipagsabayan.

Naudlot man ang supposed to be ay ang pagbabalik niya sa telebisyon with Gerald Anderson sana, na nausyaming may kabuntot na intriga, sa nakaraang press launch ng pelikula niyang Momzillas sa direksyon ng “fan” niyang si Wenn Deramas, hindi na inurirat ng showbiz reporters ang mga naganap.

Alam nila, dumaan si Marya sa estado na kailangan niya ng kakampi. Sa panahon na lugmok ang Diamond Star, hindi na nagpumilit pa ang press na kalkalin ‘yun at bigyan niya ng kasagutan.

ADVERTISING

Ang showbiz naman marunong makisama. Sa katunayan, pansin nila sa aktres, nag-mellow na ito. Malaki ang pagbabago. Hindi na nagtataray. Hindi na nagiging sarcastic sa mga sagot sa niya sa mga tanong na kung dati-rati’y naririndi siya at nakukulitan, this time, laugh trip na lang siya.

Ganu’n naman yata pag nagkaka-edad na. Malaki na si Maron na naging “anak-anakan” nila ng dating boyfriend na si Ronnie Ricketts. Ang anak naman niya na iniluwal mula sa sinapupunan niya kay Jalosjos (sorry, I forgot the first name) na si Tien (palayaw ng anak), wala na kaming balita. May nakapagsabing naka-base na raw sa US.

Maricel Soriano, laugh trip na lang ang eksenaMula noon, wala na kaming balita tungkol kay Marya at kung meron mang pasulpo’t sulpot tungkol sa mga ginagawa niya (na kadalasan ay negative) na ang mga magagandang balita naman ay itinatago nila na parang ulan sa tag-araw.

Alam naman natin kung ano ang pinagdaanan ng aktres for the past years pero dahil love siya ng press, hindi na ‘yun ibinalita. Kinalimutan na lang pansamantala para bigyan muli ng pagkakataon ang aktres na makabawi at makabuwelo.

Positibo ang pelikulang Momzillas ni Direk Wenn para kay Marya. “At least enjoy siya kasama ang ibang artista. Tsismisan sila ng tsimisan ni Uge (Eugene Domingo) at Candy (Papangilan). Naging magkabarkada ulit sila. Parang na-revive ang masayang pinagsamahan nila noon na um-absent lang si Marya saglit,” kuwento ng kaibigan niyang director.

 

NOON PA man, rumaraket na si Bossing Vic Sotto sa istasyon ni MVP with his game show na ngayon ay muling nagbabalik. Si Joey de Leon naman, noon pa man ay may pasulpot-sulpot na gag show na Wow Mali at kung anik-anik.

Kamakailan ay pumirma si Ogie Alasid sa Singko na dati-rati’y identified na talent ng Kapuso Network at ngayon nga ay may musical show with the Megastar Sharon Cuneta. Ngayon, sino na lang na may name ang mga tunay na star ng istasyon sa Timog?

Sa isang event kamakailan ng istasyon na pag-aari ni Pangilinan, namataan si Michael V. na katsika ang bosing ng Bahay sa Novaliches.

May nakapagbulong na may gagawing show si Bitoy sa kampo ni MVP.

‘Pag nagkataon, ano at sino ang maiiwan sa Siyete? Sina Bossing Vic at Joey, hindi naman exclusive sa GMA-7 at si Ogie nga ay kapipirma lang at naglipat-bahay na.

Si Raymond Gutierrez na hindi na inalok na mag-renew ng Kapuso, hayun at pinulot ng Singko para isama sa programa na showbiz nina Cristy Fermin, Lucy Torres at Direk Joey Reyes na Showbiz Police.

Sa totoo lang, parang sablay ang casting ng palabas ng Toroika nina Cristy, Congresswoman at Direk Joey.

Out of the blue, biglang may Raymond na ewan ko kung papaano sasabay sa masarap na sanang putahe ng mga komentarista ng showbiz unless mayroong beauty and fashion tips ang programa na p’wedeng tikman ang timpla simula sa Sabado.

 Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING