Maricel Soriano, inisnab ang Golden Screen TV Awards

Maricel Soriano, inisnab ang Golden Screen TV Awards

Maricel-SorianoNOWHERE IN sight si Maricel Soriano sa Golden Screen TV Awards last Sunday to accept her Outstanding Actress trophy for Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA (it was a triple victory for the Andoy Ranay-helmed teleserye dahil tinanghal na Outstanding Actor si Dingdong Dantes at Outstanding Supporting Actress si Alessandra de Rossi).

The 6th TV Awards night was held at the Carlos P. Romulo Auditorium at the RCBC Plaza.

It was Direk Andoy, however, who accepted the award on Maricel’s behalf saying, “Magkasama lang kami ni Inay nu’ng isang araw. Sabi ko sa kanya, ‘Uy, nominated ka as best actress sa Golden Screen Awards, a-attend ka ba?’ Sagot niya sa ‘kin, ‘Naku, hindi! Hindi naman ako mananalo du’n, eh. Mga bata ang mananalo du’n.’”

Samantala, gabi ‘yon ni Tirso Cruz III who won two awards: Outstanding Supporting Actor for Ikaw Lamang and Outstanding Single Performance among the male contenders for the same teledrama na napanalunan ni Nora.

Sa nasabing kategorya, katunggali ni Ate Guy si Alessandra na asang-asa that she would be as doubly victorious tulad ni Tirso. Pero nang malamang nominado rin si Ate Guy, ang nasabi na lang ni Alex ay, “Ay…!”

Short of saying na nag-concede ang hitad against a “diminutive Goliath”.

 

WITH SPECIAL guest Aicelle Santos, isang gabi ng iba’t ibang talent o pagpapakitang-gilas ang aabangang episode ng Ismol Family ngayong Linggo.

A whopping half a million pesos is up for grabs sa timpalak na ito sa tatanghaling kampeon. Kilalanin natin ang mga contestant.

Contestant no.1 si PJ who will show off his culinary skills, kaso mukhang hindi impressed si Jingo.

Contestant no. 2, aba, ay mga sasali sa Starstruck! Ito na ba ang hudyat sa pagkaka-discover kina Ethan at Yumi?

And contestant no. 3, tagisan naman ito ng galing between Lora and Natalia!

Huwag palampasin ang isa na namang exciting at makapigil-hiningang episode ng Ismol Family pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko sa GMA. At sino naman ang maghihiganti sa pamilya Ismol? Abangan.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III