Maricel Soriano, ‘di basta-basta naibabagsak ng intriga

ADVERTISING

Maricel Soriano, ‘di basta-basta naibabagsak ng intriga

Maricel Soriano, ‘di basta-basta naibabagsak ng intrigaBIG STAR si Maricel Soriano sa buong showbiz, kaya hindi siya basta na lang maibabagsak ng pangyayaring hindi siya natuloy na maging parte ng teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ng ABS-CBN. Marami naman siyang proyekto na noon pa’y nailapit na sa kanya para gawin, kaya lang ay nagkakaroon lang ng kontIng aberya kaya hindi nagkakatuluyan.  Isang teleserye lang ang nawala, at magsisimula na rin siya ng bagong pelikula, ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Consistent pa rin talaga si Marya, na kapag mayroong maiinit na isyu tungkol sa kanya ay hindi na lang siya nagbibigay ng komento para huwag na lang lalong humaba pa ang isyu. May record din kasi ang mataray na aktres, na kapag sinimulan niyang magsalita ay tatapusin niya iyon at marami na lang ang magugulat sa kanyang pasabog. Pero dahil nga mailap si Marya na magsalita tungkol sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon, naiipon ang mga kuwento na dapat niyang bigyang-linaw.

Katulad na lamang ng lovelife ngayon ni Maricel. Itaas na lang kaya niya ang kanyang mga kilay kapag pinag-react siya tungkol sa kuwentong nagkaroon ng kakaibang paramdam sa kanya ng pakikipaglapit sina Gerald Anderson at Coco Martin. Nakaaaliw nga ang kuwento, na kung dati raw at si Marya ang tatanungin, kapag pinag-usapan ang dalawang sikat na aktor ng Kapamilya Network, mas malapit daw ang loob ng magaling na aktres kay Gerald kesa kay Coco. Okey raw kay Marya si Gerald bago sila nagkaintrigahan.

 

ADVERTISING

MAINGAT NA ngayon si Rufa Mae Quinto sa pagkukuwento tungkol sa kanyang mga plano para sa kanyang dream wedding. Hindi na kasi siya naaaliw sa mga kantiyaw at intriga na kanyang natatanggap dahil sa hindi pagkakatu-luyan ng ilang beses niyang ipinangalandakan na magpapakasal na siya. Kasi nga, nagmukha siyang katawa-tawa na nagbigay siya ng eksaktong taon kung kailan magaganap ang kasalan, pero wala namang kasalan na nangyayari.

Udlot Queen tuloy ang bansag ngayon kay Rufa Mae. Kaya mas pinili na lang niya ngayon na sobrang matahimik ang kanyang mundo. Pakiramdam kasi niya, pagkatapos ng ilang mahahabang taon ng kanyang mga pakikipagrelasyon sa mga lalaking inisip niyang kanyang makakatuluyan, parang hindi pa rin pala dumarating ang tamang lalaki na kanyang pakakasalan na pupuwedeng kung huminto na siya sa pag-aartista ay kanyang masasandalan, at kaya siyang buhayin.

Hindi naman kasi mayabang si Rufa Mae. Pero sa totoo lang, isa siya sa pinakamasipag na aktres sa showbiz, na talagang ang mga kinikita sa pag-aartista ay iniipon talaga. Kaya nga, mortal sin din para sa kanya na makatagpo siya ng isang lalaki na mapapa-ngasawa, kung ang kakalabasan naman ay siya pa pala ang bubuhay sa nasabing lalaki, dahil sa pangyayari nga na si Rufa Mae ay nakapag-ipon talaga ng pera mula sa kanyang pagsisikap.

 ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING